Star Magic, MavX Productions sanib-pwersa para sa 3 pasabog na pelikula sa pagpasok ng 2023 | Bandera

Star Magic, MavX Productions sanib-pwersa para sa 3 pasabog na pelikula sa pagpasok ng 2023

Ervin Santiago |January 09,2023
facebook
share this

Star Magic, MavX Productions sanib-pwersa para sa 3 pasabog na pelikula sa pagpasok ng 2023

Ervin Santiago - January 09, 2023 - 07:51 AM

Star Magic, MavX Productions sanib-pwersa para sa 3 pasabog na pelikula sa pagpasok ng 2023

RC delos Reyes, Barbie Imperial, Carlo Aquino, Jane Oineza, RK Bagatsing, Kylie Padilla at Gerald Anderson

MAGANDANG simula at pagsalubong sa 2023 ang pagsasanib-pwersa ng nangungunang talent management na Star Magic at ng game-changer film outfit na Mavx Productions!

Ang samahang ito na naging parte ng year long celebration ng ika-30 anibersaryo ng ahensya.

Makakatulong na pataasin ang kasiningan at self-discovery, paghilom, at pag-asa sa pamamagitan ng tatlong mga pelikula na pinangungunahan ng ilan sa pinakamagaling na artista ng Star Magic.

“We are both thrilled and honored about this collaboration with Mavx Productions’ knowing the productions’ growing reputation for creating heartwarming, scenic, and critically-acclaimed films in the business.

“We hope that the three films, I Love Lizzy, Unravel, and The Swing can spark inspiration, redemption, and change among the viewers and strengthen the love for local films,” sabi ni Direk Lauren Dyogi, pinuno ng Star Magic.

Una sa tatlong pelikula ay ang romantic-drama film na “I Love Lizzy” na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Barbie Imperial na ipalalabas sa mga sinehan nationwide ngayong darating na ika-18 ng Enero.

Istorya ng isang hometown party girl na masusubok ang tadhana at tiwala nang magkrus ang landas nila ng isang seminarista.

Ang real-life couple na sina RK Bagatsing at Jane Oineza ang mga bida “The Swing” na kinunan sa napakagandang lugar ng Switzerland.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)

Ito ay isang adult love story ng tungkol mag- asawang sinububukang isalba ang kanilang relasyon sa kakaibang pamamaraan.

Kung ano man ang kanilang madidiskubre sa pag-ibig at buhay mag-asawa, ay siyang susi sa kasagutan ng kanilang relasyon.

Kukumpleto sa hanay ng pelikula ngayong taon ay ang “Unravel” na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Gerald Anderson sa kakaibang istorya tungkol sa practice of assisted voluntary death na legal na gawain sa ilang bansa sa Europa.

Ang tatlong movies ay ilalim ng direksyon ni RC delos Reyes na direktor rin ng Alter Me.

“Star Magic has been discovering and honing talents the last three decades and these three films featuring their artists will serve as the shining testaments of the agency’s notable experience and stature in the Philippine entertainment industry,” sabi ni RC delos Reyes.

Ang Mavx Productions, Inc ay parehong produksyon ng “Ikaw,” “A Faraway Land,” and “Doll House.”

Katuwang ang Star Magic, layunin nito na hamunin ang mga pamantayan at nakagawiang mga pelikula sa pamamagitan ng pag eksperimento ng mga makabagong konsepto, iba’t ibang lokasyon at makapigil-hiningang destinasyon.

TV host na-bad trip sa pasaway na aktor: Hindi pa rin pala siya nagbabago!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karla Estrada may pa-farewell party sa Magandang Buhay; inalok nga ba ni Willie ng show sa AMBS 2?

Kilalang aktor tinanggihang makasama sa pelikula ang magaling na komedyana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending