Karla Estrada may pa-farewell party sa Magandang Buhay; inalok nga ba ni Willie ng show sa AMBS 2? | Bandera

Karla Estrada may pa-farewell party sa Magandang Buhay; inalok nga ba ni Willie ng show sa AMBS 2?

Ervin Santiago |July 21,2022
facebook
share this

Karla Estrada may pa-farewell party sa Magandang Buhay; inalok nga ba ni Willie ng show sa AMBS 2?

Ervin Santiago - July 21, 2022 - 05:04 PM
Karla Estrada may pa-farewell party sa Magandang Buhay; inalok nga ba ni Willie ng show sa AMBS 2?

MAKALIPAS ang limang taon, pormal nang magpapaalam ang TV host-actress na si Karla Estrada sa morning show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay.”

Bukas, July 22, muling mapapanood ang nanay ni Daniel Padilla sa nasabing programa kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros para sa kanyang farewell episode.

Sa kanyang Instagram at Facebook page, sinabi ni Karla na hindi naging madali para sa kanya ang desisyon na iwan ang “Magandang Buhay” na five years niya ring naging tahanan.

Aniya, kailangan daw niyang gawin ito para sa bagong yugto ng kanyang buhay – yan nga ay ang pagseserbisyo sa bayan dahil nga nanalo ang kanilang Tingog Partylist sa nakaraang eleksyon.

“I will miss the good 5 years mga Momshieee!!! Naging mabigat ang desisyon.. Pero mas naging matimbang ang pag unawa ng isat isa.

“Mamimiss ko Ang mga masasaya at madramang samahan na walang katulad at tanging tayong tatlo lang ang nakakaalm!

“Pero gaya ng after graduation ng high school ay naiba ako ng Kurso sa college kaya mahihiwaylay ako ng lugar, Oras at panahon.

“Ngunit ang pag ka kaibigan na ilang beses sinubok ng panahon ay hindi kailanman makakalimutan.

“Babaunin ko sa aking puso ang masasaya nating samahan at matututo sa lungkot na hamon ng pakikipagkaibigan,” ang caption ng TV host sa kanyang IG post.

Si Karla ang ikatlong nominee ng Tingog pero dalawang upuan lang sa Kongreso ang nakuha nila kaya hindi siya kasama sa mga uupo sa Kongreso.

Pero sey ni Karla may mga in-assign sa kanyang mga gawain ang partido na kakailanganin ang oras at panahon niya.

“Maraming Salamat ABS-CBN Sa aking mg boss na itinuring na mga kaibigan, Maraming Salamat Po sa pagmamahal, pag tiwala at pagkakataon. Hangang sa Muli.

“At sa lahat ng bumubuo ng magandang buhay…

“MARAMING SALAMAT SA ARAL NA NAGPATIBAY NG PAGKATAO NATIN. MAHAL KO KAYO!

“DASAL KO PARA SA ATING LAHAT ANG KATAHIMIKAN NG PUSO AT MALAYANG PAG LALAKBAY TUNGO SA…

“MAGANDANG BUHAY! (hearts emojis),” mensahe pa ni Karla.

Samantala, sa panayam namin kay Karla sa ginanap na grand mediacon ng controversial movie na “Maid In Malacañang”, sinabi ni Karla na okay na okay sa kanya kung sinuman kina Regine Velasquez at Judy Ann Santos ang magiging regular co-host nina Melai at Jolens.

Sa isa namang panayam, nagkuwento si Karla tungkol sa buhay niya ngayon after elections, “Parang tumahimik ang mundo ko. Sabi ko, ‘Ano nang nangyayari?’

“After, parang wala na, wala ka nang ginagawa. Yun pala, ito yung time na tinatawag nilang transition. So, sa transition time after three months of campaigning, parang nakaka-anxiety attack yung feeling,” ani Karla nagsabing hindi kasi siya sanay na walang ginagawa.

Pero totoo kaya na isa siya sa mga celebrities na nililigawan ngayon ng AMBS 2 network ng pamilya ni Manny Villar para bumida sa isang programa niluluto ni Willie Revillame? Yan ang aabangan natin.

Related Chika:
Regine tuluyan na bang papalitan si Karla sa ‘Magandang Buhay’ dahil sa pagsabak nito sa politika?

Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending