Regine tuluyan na bang papalitan si Karla sa ‘Magandang Buhay’ dahil sa pagsabak nito sa politika?
Regine Velasquez at Karla Estrada
TULUYAN na nga bang tsutsugihin ang nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa morning talk show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay”?
At totoo bang ang Kapamilya actress at singer na si Asia’s Songbird Regine Velasquez ang papalit sa kanya sa nasabing programa?
Isa ito sa mga isyung nilinaw ni Regine nang humarap sa ilang miyembro ng entertainment media sa ginanap na “Kapamilya Strong 2022 event kamakailan kasabay ng muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa ABS-CBN.
Ayon kay Regine, guest co-host lamang siya nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa “Magandang Buhay” at hindi raw niya pinalitan si Karla na tumatakbo ngayong 2022 elections para sa isang partylist.
“Guest host pa lang ako ngayon sa ‘Magandang Buhay’ kasi nga wala si Momshie Karla so I am the one doing her part now. But I am having such a wonderful time working with Jolina and Melai,” paglilinaw ng Songbird.
Dagdag pang paliwanag ng misis ni Ogie Alcasid, “’Yung mga nanonood sa amin tuwing umaga, napapansin siguro na tawa lang kami nang tawa.
“Para lang akong naglalaro. I do hosting in ‘ASAP’ pero iba ‘yung format ng ‘Magandang Buhay.’ I remember doing the same before. I kinda missed it,” aniya pa.
Nagpasalamat naman siya sa mga bossing ng ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya ng chance na makapag-host muli ng talk show na ginagawa na niya noon sa GMA 7.
“I am so happy that I was given the opportunity to do a morning show with two other girls who I love very much. They are all so game, sobrang nag-e-enjoy lang talaga ako.
“Hindi pa naman po ako totoong host. Nagpapanggap pa lang ako right now.
“But like I said, I am so happy to be given the opportunity to be a special host of Magandang Buhay,” aniya pa.
View this post on Instagram
In fairness naman kay Regine, kering-keri naman talaga niyang magdala ng isang talk show dahil ilang taon ding namayagpag sa GMA 7 ang weekly program niyang “Sarap Diva”.
https://bandera.inquirer.net/280406/karla-kinakarir-ang-pagpapapayat-wag-na-masyado-maraming-dahilan-laban-para-sa-kalusugan-2
https://bandera.inquirer.net/283802/karla-naloka-sa-panggagaya-kay-melai-i-think-ito-na-ang-ikababagsak-ng-career-ko
https://bandera.inquirer.net/288013/kylie-tuluyan-nang-nilayasan-si-aljur-excited-na-sa-lilipatang-bahay-kasama-ang-2-anak
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.