Premyadong filmmaker selos na selos sa baguhang direktor: Mas marami pa kasing project kesa sa kanya
ANG laki ng selos ng isang filmmaker sa kilalang millennial director na kasalukuyang may show ngayon — feeling kasi niya ay mas nabibigyan ito ng projects ng TV network kumpara sa kanya na mas matagal na sa industriya.
May katwiran naman siyang makaramdam ng ganito dahil nga bukod sa pagiging beterano ay may mga awards na rin siya kumpara sa baguhang direktor.
Pero ang kaibahan nga lang ay mas tinatangkilik ang mga programa ng huli bukod dito ay napagkakasya nito ang ibinibigay na budget ng producer.
Sa pagpo-produce kasi ng isang programa o pelikula ay may budget na ibibigay ang producer at bahala ka nang pagkasyahin ito.
“Si _____ (direktor) kasi umo-over minsan sa budget, so siyempre nangangarag ang producer kasi nasisira ‘yung budget niya para sa ibang projects.
“While si _____ (millennial director) napagkakasya niya at minsan nga sobra pa, in fairness hindi siya magastos at maganda naman ang resulta ng show, hindi mukhang tinipid. Saka napupuri siya lagi ng buong cast, production staff kasi kaibigan ang turingan lahat sa set.
“Si _____ (direktor) kasi wala lang, after ng shoot wala nang kuwentuhan, kanya-kanyang pasukan na sa kuwarto tapos wait na lang ulit ng tawag the following day para sa susunod na mga eksena.
“Pinakatsikahan lang nila kapag pinag-uusapan kung anong gagawin sa next taping, ganito, ganyan.‘Yun ang bonding moment nila,” kuwento ng isang nakatrabaho ng direktor.
At higit sa lahat, mas marami pa raw write-ups ang millennial director kumpara sa veteran at premyadong direktor.
“E, kasi naman si _____ (millennial director) marami kang makukuhang tsika, maraming kuwento na kasulat-sulat, pang title raw sabi mismo ng press. E, si ____ (direktor) wala lang,” tsika pa sa amin.
Oo nga ‘no!? Kami nga mas maraming beses naming naisulat ang millennial director dahil nakakaaliw siyang kausap. At higit sa lahat, mas marunong siya sa PR kumpara sa selosong direktor.
Kaya ang balita namin ay posibleng i-consider ng direktor ang offer sa kanya ng ibang network plus movie project.
Magaling naman talaga si direk, yun nga lang kulang na kulang siya sa PR kaya siguro hindi rin siya masyadong type ng ilang taga-media.
https://bandera.inquirer.net/291377/us-filmmaker-isinali-ang-premyadong-lgbtq-horror-love-story-sa-cinemalaya-2021
https://bandera.inquirer.net/286574/bilang-ng-mga-filipino-na-walang-trabaho-nabawasan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.