Pag-aresto kay Direk Jade Castro, 3 iba pa kaso ng mistaken identity?
“INOSENTE kami. Nagbabakasyon lang kaming magkakaibigan sa Mulanay, Quezon pero inaresto kami sa krimen na nangyari sa Catanauan.”
Ito ang laman ng tweet ng premyadong direktor na si Jade Francis Castro nitong nagdaang Biyernes, Pebrero 2.
Ilan sa mga pelikula ni direk Jade ay ang “Endo” noong 2007 (Best Screenplay sa Young Critics Circle), “My Big Love” (2008), “Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington” (2011), “My Kontrabida Girl” (2012), “My Lady Boss” (2013), “Beki Boxer” (2014), at “LSS (Last Song Syndrome)” (2019) kung saan nanalo siyang Best Director sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
Base sa report ni Anna Cerezo ng ABS-CBN ay hinuli si direk Jade kasama ang dalawang kaibigan na engineer at isang business manager sa kasong arson, at isa pang personalidad
Hindi raw ang grupo ni direk Jade ang dapat arestuhin ng mga pulis dahil wala silang kinalaman sa kaso. Nakipiyesta lang daw ang grupo sa Mulanay, Quezon.
Baka Bet Mo: Drag queen Pura Luka Vega inaresto ng Manila Police, pwedeng magpiyansa sa halagang P72k
May tweet din ang director nu’ng Enero 25 na nagtatanong kung saan puwedeng mag-stay sa Quezon.
Tweet ni direk Jade, “Help saan ba pwede mag stay sa Mulanay, Quezon? Wala kami mahanap malapit ko na tanungin si Jaclyn Jose kung saan siya nag stay doon nung nag doktor siya nung 1996.”
Anyway, sabi sa report ng Philippine National Police, ang nasabing grupo ang umano’y itinuro ng tsuper, konduktor, at dalawang pasahero na nanunog daw ng isang modernized jeep na pag-aari ng Gumaca Transport Service Cooperative sa Barangay Dahican, Catanauan, Quezon noong Miyerkules.
Ayon kay P/Col. Ledon Monte Provincial Director, Quezon PNP, “Subject for investigation ng concerned police station at bakit sila ang tinuturo. On-going pa po para ma-establish natin para malaman motive. ‘Yun magpapatibay sa inihahandang kaso.”
May napansin naman ang kapatid ng isa sa mga kasama ng direktor kung paano sila inaresto pati na rin ang sinabi ng mga testigo na naka-bonnet at armado ang mga nanunog ng jeep.
“Pinaupo sila, lumabas mga witness nasa sasakyan tapos may nagturo sa kanila. Walang idea yung apat, ‘what’s going on.’ The witness said naka-bonnet yung apat, paano matuturo ‘yun,” say ng kapatid ng mga inaresto.
Walang nakuhang armas o baril sa grupo ni Direk Jade nang arestuhin sila sa resort kung saan sila naka-check in.
Na-interview naman ang namamahala ng Gumaca Transport Service Cooperative na sinasabing kalaban ng mga colorum jeepney operators at driver ang pinagbibintangang may kagagawan sa panununog.
Nag-ugat ito sa matagal ng sinasabing sumali sila sa franchise consolidation na bahagi ng PUV modernization ng pamahalaan.
Baka Bet Mo: Sharon nakiusap sa bashers na huwag nang pagsabungin ang mga anak: ‘Please, tama na, nananahimik kaming lahat’
Nitong Biyernes, Pebrero 2 ay sinampahan ng kasong arson ang apat na inaresto sa Office of the Prosecutor sa Catanauan.
Samantala, may nabasa kaming statement post mula sa Facebook account na Dakila Philippine Collective for Modern Heroism with 114,000 followers.
“Filmmaker and writer Jade Castro and his friends were arrested and detained on alleged charges of arson by the Philippine National Police-Quezon while vacationing in Malumanay, Quezon.
“Jade, known for his socially-relevant films like Endo and Zoombadings has significantly influenced the creative sensibilities of emerging filmmakers through numerous workshops and mentorships, making profound contributions to the film industry.
“As an advocate for justice, we call on the Philippine National Police, the Department of Justice and other relevant transparent, and thorough investigation on this and to uphold the rule of law in uncovering the truth about the incident in Catanauan.
“We are putting our trust into our legal system’s ability to protect the rights of citizens under custody,” ayon sa naturang FB page.
Sa kasalukuyan ay wala kaming nabasang komento sa naturang post, pero nakakuha na ito ng 159 reaction at 172 shares
Bukas ang BANDERA sa panig ng PNP- Quezon at nina Direk Jade tungkol sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.