Drag queen Pura Luka Vega inaresto ng Manila Police, pwedeng magpiyansa sa halagang P72k
INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District ang controversial drag artist na si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay.
Nahuli ang drag queen ngayong araw, October 4, sa Sta. Cruz, Manila ilang araw matapos ang pagharap niya sa korte para sa unang hearing ng mga kinakaharap niyang kaso.
Sa report ng MPD, inaresto ang drag queen ng mga otoridad sa mismong bahay nila sa Hizon Street, Baranggay 339, Sta. Cruz, Manila, dakong 4:10 p.m..
Base sa ulat, ang warrant of arrest laban kay Pura ay inisyu ni Hon. Czarina Villanueva, ang presiding judge ng Manila- Regional Trial Court (RTC) Branch 36.
Ito’y para sa mga kasong Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (2)(B)(3) AND (2)(3)(5) of Revised Penal Code Article 201 na may piyansang P72,000.
Baka Bet Mo: Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’
View this post on Instagram
Habang sinusulat ang balitang ito ay nasa MPD Sta. Cruz police station pa rin si Pura.
Matatandaang sinampahan ng patung-patong na kaso si Pura matapos mag-viral ang kanyang video na nagpe-perform gamit ang kantang “Ama Namin” na nakasuot ng damit ng Itim na Nazareno.
Lantarang kabastusan daw sa Simbahan ang ginawa ni Pura, ayon mismo sa ilang religious leaders kaya dapat siyang maparusahan.
Nitong nagdaang August 17, sinampahan kinasuhan ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central si Pura sa Manila City Prosecutor’s Office.
Ayon sa grupo, nilabas ng drag artist ang Article 201 of the Revised Penal Code (Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions, and Indecent Shows), in relation to Republic Act 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
Related Chika:
‘Ama Namin’ drag performance ni Pura Luka Vega umani ng batikos mula sa madlang pipol
Kim Atienza kay Pura Luka Vega: I sincerely hope you develop the empathy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.