Pura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Maynila
MAS lalong lumiliit ang mundo para sa drag queen na si Pura Luka Vega matapos itong ideklarang persona non grata sa Maynila.
Ang naturang desisyon ng city council ay may kaugnayan sa naging controversial drag performance nito sa kanyang “Ama Namin”.
Unanimous ang naging desisyon para aprubahan ang resolution na inihain ng Manila 5th District Councilor Ricardo “Boy” Isip na nagsasabing “blasphemous” ang naturang performance ni Luka.
“Ito pong taong ito ay walang habas at di man lang pinag-isipan ang kaniyang ginawa… Isang kalapastangan po ang kaniyang ginawang palabas.
Hindi po dapat itong palagpasin kasi pag pinalagpas natin ito, baka maparisan po ito. Kailangan na po nating gumawa ng aksyon,” saad ni Isip sa kanyang sponsorship speech ukol sa ginawa ni Luka.
Baka Bet Mo: ‘Ama Namin’ drag performance ni Pura Luka Vega umani ng batikos mula sa madlang pipol
Sinang-ayunan naman ng iba pang miyembro ng city council ang resolusyon laban sa drag queen.
Samantala, iginiit naman sa isa pang konsehal na si Jaybee Hizon ang importansya ng Black Nazarene sa lungsod ng Maynila na isa sa mga pino-portray ni Luka sa kanyang mga drag performance.
Aniya, “Hindi dapat gamitin ang freedom of expression para mang-insulto o manakit ng damdaming pang-relihiyon ng kapwa.”
Bukod sa Maynila, ilan pa sa mga lugar na idineklara si Luka bilang persona non grata ay sa General Santos City, Floridablanca, Pampanga, Toboso, Negros Occidental at Bukidnon.
Matatandaang nag-viral at umani ng samu’t saring komento mula sa netizens at politiko ang drag performance niya kung saan makikitang nakabihis ito ni Hesus habang sumasayaw at kumakanta ng remix song ng “Ama Namin”.
Related Chika:
Drag queen Pura Luka Vega kinasuhan na dahil sa panggagaya kay Jesus Christ at sa pagkanta ng remix version ng ‘Ama Namin’
Pura Luka Vega nanindigan sa drag performance: They shouldn’t tell me how I practice my faith
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.