Pura Luka Vega nanindigan sa kabila ng pagkakaaresto sa kanya: My intention was never to mock
HINDI pa rin nagsi-sink in sa controversial drag queen na si Pura Luka Vega o si Amadeus Fernando Pagente ang pagkakaaresto sa kanya ng mga pulis kahapon, October 4.
Sa kanyang naging panayam sa “24 Oras” bago siya tuluyang dalhin sa selda, inamin niyang pinoproseso pa niya ang mga nangyayari.
“I did not receive the subpoena. When we went there, sa ibang address po siya naibigay,” pagbabahagi ni Luka.
Dagdag pa niya, “I’m still processing it.”
Sa kabila ng pagkabigla ay payapa namang sumama si Luka sa mga pulis nang hulihin ito sa kanyang tinitirhang sa Barangay 339, Sta. Cruz, Manila.
Nitong Miyerkules, October 4 nang maglabas ang Manila Regional Trial Court Branch 36 ng warrant of arrest kaugnay ng mga kasong Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (2)(B)(3) AND (2)(3)(5) of Revised Penal Code Article 201 na may piyansang P72,000.
Nagpanggap munang mga delivery riders ang mga pulis upang masiguro na naroon ang kanilang pakay na si Pura Luka Vega bago ito inaresto.
Lahad kay P/Lt. Col. Leandro Gutierrez, “Binasahan naman siya ng rghts niya. Sinabi ‘yung warrant of arrest against him. Peacefully naman siyang sumama dito.”
View this post on Instagram
Sa kabila ngvpagkakakulong ay naninindigan si Luka na wala siyang masamang ginawa at hindi niya intensyon ang kutyain ang paniniwala ng mga tao.
“My intention was never to mock. I also would not like to invalidate their feelings. If they feel hurt or they feel offended, it’s their right to feel such,” sey ng drag queen.
Bukod sa Manila, nahaharap pa sa tatlong kaso pa siyang kinakaharap sa Quezon City.
Related Chika:
‘Ama Namin’ drag performance ni Pura Luka Vega umani ng batikos mula sa madlang pipol
Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.