Pura Luka Vega umalma sa pagkakadeklara bilang persona non grata sa iba't ibang lungsod: Tell me EXACTLY what I did wrong | Bandera

Pura Luka Vega umalma sa pagkakadeklara bilang persona non grata sa iba’t ibang lungsod: Tell me EXACTLY what I did wrong

Therese Arceo - August 11, 2023 - 09:57 AM

Pura Luka Vega umalma sa pagkakadeklara bilang persona non grata sa iba't ibang lungsod: Tell me EXACTLY what I did wrong
PUMALAG ang drag queen na si Pura Luka Vega ukol sa sunud-sunod na pagkakadeklara sa kanya bilang persona non grata sa iba’t ibang lungsod sa Pilipinas.

Ito ay matapos mag-viral at maging kontrobersyal ng kanyang drag performance niya kung saan nakabihis ito bilang si Hesus habang sumasayaw at kumakanta sa remix song ng “Ama Namin”.

Sa kanyang X (dating Twitter) account ay naglabas si Pura ng saloobin hinggil sa isyu na hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos tapos.

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance.

“Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” saad ni Luka.

Ngayong linggo lamang ay dalawang lugar ang nagdeklara sa drag queen bilang persona non grata. Ito ay ang Province of Bukidnon at City of Manila.

Baka Bet Mo: ‘Ama Namin’ drag performance ni Pura Luka Vega umani ng batikos mula sa madlang pipol

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Matatandaang noong Hulyo 10 nang i-retweet ni Luka sa kanyang X account ang video ng kanyang naging performance na agad nag-viral at kumalat sa social media na may caption na “Thank you for coming to my church”.

Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens kung saan ang ilan ay na-offend dahil diumano’y pambabastos daw ang ginawa niya sa mga Katoliko.

Naging mainip na usapin pa ito nang mag-react na rin sa naturang video ang mga politiko at ilang kilalang personalidad at sinabing “blasphemous” at “offensive” ang ginawa ni Luka.

Paglilinaw niya, naiintindiha niya ang mga taong bumabatikos sa kanyang video.

“I understand that people call my performance blasphemous, offensive or regrettable. However, they shouldn’t tell me how I practice my faith or how I do my drag,” saad ni Luka.

“That performance was not for you to begin with. It is my experience and my expression, of having been denied my rights,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagiging persona non grata ni Luka sa ilang lugar sa bansa ay kinasuhan rin ito ng paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ang mga opisyal ng Philippines for Jesus Movement sa pangunguna nina Bishop Leo Alconga, Pastor Romie Suela, at Pastor Mars Rodriguez ang naghain ng kaukulang kaso laban sa drag queen.

Related Chika:
Drag queen Pura Luka Vega kinasuhan na dahil sa panggagaya kay Jesus Christ at sa pagkanta ng remix version ng ‘Ama Namin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

CBCP sinabing ‘blasphemous’ ang viral drag performance ni Pura Luka Vega: That is the prayer taught by Christ himself

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending