Gasolinahan sinilaban | Bandera

Gasolinahan sinilaban

John Roson - December 11, 2019 - 02:44 PM

ARESTADO ang isang 28-anyos na lalaki matapos nitong silaban ang isang gasolinahan sa Bangar, La Union, Martes ng gabi.

Nadakip si Daven Rhey Beguas, residente ng Brgy. Maria Cristina East, matapos ang insidente, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.

Naganap ang insidente sa Petron gasoline station na nasa Brgy. Central East 2, dakong alas-11:55.

Ayon sa ulat, unang sinunggaban ni Beguas ang nozzle hose ng isang gas pump at sinubukan itong silaban gamit ang sigarilyo niyang may sindi.

Kasunod nito’y piniga ni Beguas ang nozzle, ibinuga ang gasolina sa sahig, at sinilaban ito sa pamamagitan ng posporo.

Mapalad na di na kumalat pa ang apoy dahil agad itong naapula ng mga empleyado ng gasolinahan at mga bystander.

Inaalam pa ang motibo ni Beguas, na ngayo’y nasa kostudiya na ng lokal na pulisya para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kasong attempted arson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending