Xian Lim viral ang larawan kasama si Iris Lee, magdyowa nga ba?

Xian Lim viral ang larawan kasama si Iris Lee, magdyowa nga ba?

Therese Arceo |February 14,2024
facebook
share this

Xian Lim viral ang larawan kasama si Iris Lee, magdyowa nga ba?

Therese Arceo - February 14, 2024 - 10:17 PM

Xian Lim viral ang larawan kasama si Iris Lee, magdyowa nga ba?

USAP-USAPAN ngayon ang mga kumakalat na larawan ng Kapuso actor na si Xian Lim kasama ang film producer na si Iris Lee.

Isang Facebook page kasi ang nagbahagi ng larawan ng aktor kung saan makikitang nakaakbay ang aktor sa producer at nakahawak rin ito sa kanyang kamay.

Bukod kay Xian ay makikita rin sa naturang larawan ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo kasama ang rumored girlfriend nitong si Dia Mate.

Matapos mag-viral sa social media ang naturang larawan mula sa Watanabe Riding Development ay maraming mga supporters ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu ang hindi mapigilang manggigil.

Matatandaang si Kim ay ang ex-girlfriend ni Xian at tumagal ang kanilang relasyon for 12 years.

Last year ay umugong ang mga balitang hiwalay na ang dalawa at may ilang mga netizens na nagsasabing may third party ngunit hindi naman ito agad sinagot ng dalawa.

Baka Bet Mo: Xian Lim lagot sa matinding pasabog ni Kim Chiu, sey ni Cristy Fermin

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nitong December 2023 lang nang tuluyang maglabas ng statement si Kim kung saan kinukumpirma nitong totoong hiwalay na sila ni Xian.

Base sa mga comments ng netizens ay tila tama ang kanilang hinala na may kinalaman ang film producer sa hiwalayang KimXi.

“Time is the ultimate TRUTH teller. Kalat na kalat na sa tiktok ang pagiging cheater ni Xian Lim,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ito lang betrayal na somehow nasaktan Ako para Kay Kim pero mas natuwa Ako nakawala SI Kim sa kanya.”

May mga nagsasabi rin na baka wala namang nangyaring cheating dahil hiwalay naman na ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala atang cheating na naganap? Dba base sa kwento, it seems xian doesn’t have any plan for them? Na magpakasal ganun so Kim just ended it,” sey naman ng isa.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang Kapuso actor-director.

Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ni Xian hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending