Xyriel na-depress: Nagbibilang lang ng fries, umiiyak na 'ko

Xyriel inatake ng depresyon: Nagbibilang lang ng fries, umiiyak na ‘ko

Ervin Santiago - February 11, 2024 - 12:46 AM

Xyriel inatake ng depresyon: Nagbibilang lang ng fries, umiiyak na 'ko

Xyriel Manabat

MATINDI rin ang naranasang depresyon at anxiety ng Kapamilya young actress na si Xyriel Manabat simula pa noong 12 years old siya.

Nagsimula ito nang magdesisyon siyang iwan ang mundo ng showbiz upang pagtuunan ang personal life pati na ang kanyang pag-aaral.

“May times na sobrang lala, as in! Hindi ko maintindihan ‘yung sarili ko, literal na may uncontrolled incidents na bigla-biglang nandiyan ‘yung hindi ko alam.

Nagbibilang lang ako ng fries, umiiyak na ako,” ang pahayag ni Xyriel sa panayam ng “On Cue” ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naging mahirap din para sa pamilya ni Xyriel ang kanyang sitwasyon, “Natutulog na kami sa sala kasi, hindi kami pwedeng matulog na hiwa-hiwalay na room.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat sa mga malilisyosong netizens: ‘Binabastos po nila ako, sinasabi nila kamanyak-manyak daw…’

“Kasi nga bigla-bigla akong nati-trigger nang hindi namin alam lahat. And first time siguro sa family ko ‘yun kaya hindi rin nila alam kung paano i-handle properly.

“Nagiging tensiyonado kami lahat kasi hindi namin maintindihan at all. May times na nagkakaaway kami to the point na hindi na namin natutulungan ‘yung isa’t isa, naging sobrang toxic ng household.

“Kaya kinailangan ko nang mag-meds, kailangan ko nang mag-seek ng professional help,” pagpapatuloy pa niya.

Ilan sa mga nakatulong nang malaki sa recovery ng aktres ang ilang “therapeutic activities” at ang regular na pakikipag-bonding sa kanyang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

“Sadly, hindi siya (mga gamot) nakatulong kasi lalo lang akong naging worse. Ang kailangan ko talaga is therapeutic activities, kailangan kong lumabas, kailangan ko ng mga taong nagfi-feed sa akin ng good aura, positivity.

“Kailangan ko lang makita ‘yung beauty ng nature, sobrang ganda ng nature, sobrang helpful ng view, ng breeze. Ang saya-saya ‘pag umaalis nang biglaan, ang saya,” aniya pa.

Nagbigay din siya ng payo sa lahat ng mga taong dumaranas din ng depresyon at anxiety, “Marami rin po akong pinagdaanan na I’m sure pinagdaraanan niyo ngayon, kailangan niyo lang pagdaanan ‘yan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_)


“Walang words, walang kahit ano’ng bagay ang makakapagpa-change niyan or biglang makakapagpa-transform sa ‘yo into a matured or a better version of yourself, ikaw lang.

Baka Bet Mo: Xyriel nais makilala sa galing sa pag-arte, idol na idol si Judy Ann: Siya lang po talaga pinapanood namin ni Mama!

“Hanggang sa madaanan nang madaanan mo lahat ng obstacles, lahat ng struggles, doon mo makakamit ‘yung mindset, na alam mong fit sa personality mo, na alam mong makaka-help sa ‘yo to become the best version of you,” lahad ni Xyriel.

“So kailangan mo lang pagdaanan ‘yan. Hindi mo kailangang pwersahin or bigyan ‘yung sarili mo ng ultimatum kung kailan ka magma-mature, kung kailan ka magiging successful.

“Kasi the more you force yourself to achieve something na hindi ka pa ready i-achieve, kapag na-disappoint ka or ‘pag hindi mo siya na-achieve by that timeline na binibigay mo sa sarili mo, made-depress ka lang, mapu-frustrate ka lang.

“Hindi ‘yun nakakalapit sa goal mo, hindi ka lalong lumalapit, lalo ka lang nagho-hold back kapag ganoon.

“Kailangan mong maging free, kailangan magaan lahat habang ginagawa mo, at matututo ka sa bawat bigat at gaan na pagdaraanan mo,” pahayag pa ng “Senior High” star.

Samantala, gusto ni Xyriel na mas mapagtuunan ng pansin ngayon ang kanyang career lalo na pagdating sa finances.

“Gusto ko po ng tamang pag-handle sa life, sa financial, gusto ko pong ma-maximize ‘yung craft ko, parang gusto ko pong mag-explore sa industry.

“Gusto ko pong walang sayanging opportunity. Gusto ko po hangga’t maaari, tatanggapin ko po lahat ng binibigay na opportunity na kaya ko pong gampanan and kaya ko pong bigyan ng justice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayon nag-iinvest ako sa happiness, nag-iinvest ako sa personal na alam kong kailangan ko and makakatulong na mapasaya ‘yung aura, mabigyan ako ng stability, ng peace of mind, doon ako nag-iinvest. Hopefully soon sa business naman,” pahayag pa ng dating child star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending