Xyriel Manabat 'di lumaki ang ulo, hinangaan ng netizens

Xyriel Manabat ‘di lumaki ang ulo, hinangaan ng netizens

Therese Arceo |February 09,2024
facebook
share this

Xyriel Manabat ‘di lumaki ang ulo, hinangaan ng netizens

Therese Arceo - February 09, 2024 - 02:21 PM

Xyriel Manabat 'di lumaki ang ulo, hinangaan ng netizens

Xyriel Manabat

VIRAL ngayon ang video ng aktres na si Xyriel Manabat kung saan sinagot nito ang tanong kung hindi raw ba siya natakot na hindi sumikat sa muling pagbabalik showbiz.

Sa isang interview ng aktres na ibinahagi sa X (dating Twitter) ng user na si @AltStarMagic, nausisa ang dalaga kung nakaramdam ba siya ng pangamba sa magiging reaksyon ng madlang pipol sa kanyang showbiz comeback.

Ayon kay Xyriel, simula pa raw noong bata siya ay hindi niya ipinapasok sa kanyang sistema ang kasikatan.

“Simula nung bata ko, hindi ko po talaga pinapasok sa utak ko yung fame. Hindi ko po talaga inisip na kilala ako, mas kilala ako.

“Hindi ko po yun priority, ang gusto ko po umarte,” sagot ni Xyriel.

Chika pa niya, hindi naman daw kasikatan ang dahilan kung bakit niya pinasok ang pag-aartista kundi para ipamalas ang kanyang talento sa pag-arte.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat ipinagtanggol ang dyowa, ‘di umiiwas kay Elijah

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Hindi naman po ako nag-audition nang [nag-audition para makilala]. Ang audition ko kung paano magpapicture, paano sumagot sa isang interview, paano pumunta sa isang mall show. Ang pinag-audition ko ay paano umarte,” lahad pa ni Xyriel.

Sa kabila kasi ng diretsang sagot nito ay makikita at mararamdaman mo na hindi lumaki ang ulo nito kahit na ilang taon na siyang parte ng industriya.

Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens ang humanga sa ipinakitang attitude ni Xyriel at sa pagmamahal nito sa larangang pinasok.

“Grabe sobrang insightful naman ng batang to. Galing! May talent din siya sa pag sagot sa interview,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa sa interview ni Xyriel, “A big break for this girl could end someone’s career tbh. Kahit isa lang sure akong maraming girls could end their career.”

“Love her so much. I’m so glad that she had gotten over that “child star curse”, probably because of her charm and amazing acting talent. She’s one of the few who surpassed this and I hope she could have main roles in the future. The next Nadine perhaps?” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nagsimula si Xyriel bilang child star kung saan nakilala siya sa kanyang napakaraming proyekto sa Kapamilya network.

Ilan sa mga ito ay ang “Agua Bendita”, “100 Days To Heaven”, at “Ikaw Ay Pag-Ibig”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending