Dennis, Jennylyn ipinakilala ang bagong family member

Dennis, Jennylyn ipinakilala ang bagong family member: ‘Sobrang happy!’

Pauline del Rosario |January 26,2024
facebook
share this

Dennis, Jennylyn ipinakilala ang bagong family member: ‘Sobrang happy!’

Pauline del Rosario - January 26, 2024 - 03:49 PM

Dennis, Jennylyn ipinakilala ang bagong family member: ‘Sobrang happy!’

PHOTO: Screengrab from Instagram/@zgiantpoodles

EXCITED na ibinandera ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang bagong miyembro ng kanilang pamilya!

Meet, Provence! Ang bago nilang pet dog na isang mini poodle.

Tuwang-tuwa ang couple dahil ayon sa kanila ay swak na swak ito para sa anak nila na sina Jazz at Dylan.

“Sobrang happy namin. Excited din kami kasi matagal na kaming naghahanap ng pet for Jazz and for Dylan,” chika ni Jennylyn sa isang interview video.

Kwento ng mag-asawa, may allergies ang isa nilang anak pagdating sa pets kaya naisipan nilang humanap ng fur baby na pwede pa nilang alagaan.

“Nag-research muna kami talaga bago namin piliin kung ano ‘yung bagay na aso para sa amin,” sey ni Dennis.

Baka Bet Mo: Dennis dedma sa magpaparamdam na ex-dyowa, hindi kayang lokohin si Jennylyn: ‘Sorry ka na lang, kung sino ka man’

Dagdag naman ng aktres, “Oo, kasi si kuya Jazz, grabe ‘yung allergies niya.”

“Actually, marami kaming cats so hindi niya masyadong nae-enjoy,” paliwanag ni Jennylyn.

Patuloy pa niya, “Though gustung gusto niya talagang yakapin, gusto niyang laruin. Pero ayun nga, marami siyang mga pantal, inuubo, sinisipon so hindi talaga pwede.”

Speaking of maraming cats, matatandaan noong 2020 nang ibinahagi ng mag-asawa na mayroon silang 11 na pusang inaalagaan.

Ipinakilala pa nga ‘yan isa-isa ni Jennylyn sa kanyang vlog noon at mapapanood na iba-iba ang breed ng mga ito.

Mayroon silang Scottish Fold, Scottish Straight, Siberian, British Shorthair, Highland Fold, Oriental Shorthair, Korean Bobtail, at Ragdoll.

Aminado ang aktres na hindi biro ang mag-maintain at mag-alaga ng mga pusa, pero ito raw kasi ang nagpapasaya sa kanilang pamilya.

Kung matatandaan, noong 2021 nang maganap ang intimate wedding nila Jennylyn at Dennis.

Makalipas ang isang taon ay biniyayaan silang ng magandang anak na si Dylan Jayde.

May anak din ang dalawa mula sa previous relationship nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Dennis ay may anak sa aktres na si Carlene Aguilar na si Calix, habang si Jennylyn ay may anak sa aktor na si Patrick Garcia na si Jazz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending