Sue Ramirez may pa-tribute para kay Deo Endrinal

Sue Ramirez may pa-tribute para kay Deo Endrinal: ‘Binago niyo ang buhay ko’

Pauline del Rosario |February 09,2024
facebook
share this

Sue Ramirez may pa-tribute para kay Deo Endrinal: ‘Binago niyo ang buhay ko’

Pauline del Rosario - February 09, 2024 - 10:24 AM

Sue Ramirez may pa-tribute para kay Deo Endrinal: ‘Binago niyo ang buhay ko’

Sue Ramirez, Deo Endrinal

IBINANDERA ng aktres na si Sue Ramirez ang kanyang pakikiramay sa namayapang ABS-CBN Dreamscape Entertainment Head na si Deo Endrinal.

Maliban sa mga pasasalamat, ikinuwento rin ni Sue ang malaking naitulong sa kanya ng ABS-CBN executive sa kanyang matagumpay na karera.

“Paalam po, Sir Deo [folded hands, white heart emojis],” panimula niya sa ipinost na IG Story.

Mensahe niya, “Salamat sa pagkakataon at tiwala na ipinagkaloob niyo sa akin. Hindi po namin makakalimutan ang lahat ng iyong kabutihan at habang buhay namin ikukwento ang mga magandang alaala mo.”

“Rest in peace, Sir @deo_endrinal [emojis],” aniya pa.

Baka Bet Mo: Angel nagparamdam sa burol ni Deo Endrinal, tanong ng netizens: Saan ka?

Sue Ramirez may pa-tribute para kay Deo Endrinal: ‘Binago niyo ang buhay ko’

PHOTO: Instagram/@suennadoodles

Kasunod niyan, shinare din ng aktres ang screenshot ng maikling conversation nila ni Deo matapos niya makuha ang role bilang si “Lexy Lucero” sa drama series na “The Broken Marriage Vow.”

Mababasa na nagpaabot sa kanya ng congratulatory message si Deo at tiniyak pa niya kay Sue na nandyan lang siya para alalayan ang aktres.

Ayon sa caption ng Kapamilya star, si Deo ang dahilan na nabago ang takbo ng kanyang buhay.

“Binago po ng tiwala niyo ang buhay ko. Palagi kong hinangad na sana magkaroon ulit ng pagkakataon na makatrabaho ko po kayo,” wika niya sa IG story.

Ani pa niya, “Napakabuti niyo pong boss at tao, Sir Deo. Mamimiss po namin kayo [white heart emoji].”

Sue Ramirez may pa-tribute para kay Deo Endrinal: ‘Binago niyo ang buhay ko’

PHOTO: Instagram/@suennadoodles

Noong February 3 nang sumakabilang-buhay si Deo sa edad na 60.

Ang kanyang anak na si PJ Endrinal ang mismong nagkumpirma sa malungkot na balita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinurol ang kanyang labi sa Heritage Park sa Taguig at ang inurnment ay naganap noong February 8.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending