Angel nagparamdam sa burol ni Deo, tanong ng netizens: San ka?

Angel nagparamdam sa burol ni Deo Endrinal, tanong ng netizens: Saan ka?

Ervin Santiago |February 08,2024
facebook
share this

Angel nagparamdam sa burol ni Deo Endrinal, tanong ng netizens: Saan ka?

Ervin Santiago - February 08, 2024 - 11:49 AM

Angel nagparamdam sa burol ni Deo Endrinal, tanong ng netizens: San ka na?

Deo Endrinal at Angel Tocsin

NAKIRAMAY ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa naulilang pamilya ng namapayang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.

Nagluluksa rin ngayon si Angel sa pagpanaw ng isa sa mga itinuring niyang “tatay” at boss noong lumipat siya sa bakuran ng Kapamilya Network mula sa GMA 7.

Hindi nakalimutan ni Angel na makisimpatya sa mga naiwang pamilya at mga kamag-anak ng Dreamscape Entertainment head, sa kabila ng kanyang pamamahinga sa mundo showbiz.

Matatandaang ang last teleserye na ginawa ni Angel sa ABS-CBN ay ang “The General’s Daughter” na umere noong 2019, ay mula sa produksyon ng Dreamscape.

Nag-post ng isang video sa Instagram si Eric John Salut, ang ad prom head ng ABS-CBN, kung saan mapapanood ang mga nakahilerang bulaklak na ipinadala ng mga celebrities na nakaalala at makiramay sa pagkamatay ni Deo.

Baka Bet Mo: Paulo durog ang puso sa pagkamatay ni Deo Endrinal: ‘Thank you po…paalam’

Dito nga namin nakita ang bulaklak mula sa mag-asawang Angel at Neil Arce. Ang nakalagay sa ribbon ng mga flowers ay, “Our deepest condolences.”

Ang iba pang nagpadala ng bulaklak sa burol ng TV executive base sa video ni Eric John ay sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Maricel Soriano, Richard Yap, Bianca Manalo at Charo Santos-Concio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Matatandaang todo pasalamat si Angel noon kay Deo at sa Dreamscape Entertainment sa ginanap na finale presscon ng “The General’s Daughter” (2019) na talaga namang nag-hit sa televiewers.

Talaga raw sumugal sa kanya si Deo para makabalik siya sa action genre, “Utang namin dito sa Dreamscape… magaling lang ho talaga silang gumawa ng mga shows na dekalidad, na alam nila kung ano ang kiliti ng mga tao.

Baka Bet Mo: Showbiz industry nagluluksa sa pagpanaw ng TV exec na si Deo Endrinal

“And gusto ko lang pong magpasalamat sa Dreamscape for trusting me, especially kay Sir Deo.

“Nu’ng time na yon, parang hindi naman ako dapat magtatrabaho pa, e. Pero nu’ng nakausap ko si Sir Deo, pinagkatiwalaan niya ako.

“Maraming-maraming salamat talaga. Siya lang nagtiwala sa akin ulit, e, na gumawa ng action. Kasi lahat takot, e. So, siguro nama na-prove ko naman na kaya ko pa,” ang mensahe ni Angel kay Deo Endrinal.

Mula nang magdesisyon si Angel na mamahinga muna sa showbiz ilang taon na ngayon ang nakararaan ay nananatili siyang tahimik sa piling ng asawang si Neil.

Matagal na rin siyang hindi nagpaparamdam sa social media. Ang huling post niya sa Instagram ay ang baby shower para sa unang anak ni Angelica Panganiban noon pang August, 2022.

Base naman sa panayam namin kay Dimples Romana bago magpaalam ang 2023, masaya naman daw ang kanyang kaibigan sa kanyang married life at wala pa talagang balak bumalik sa showbiz.

Samantala, aktibo pa rin naman si Neil sa socmed partikular na sa IG. Sa kanyang mga post, palaging nagtatanong ang fans kung kumusta at kailan uli aakting ang asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero walang sinasagot sa kanila si Neil.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending