Andrea emosyonal sa burol ni Deo Endrinal, may pangako

Andrea emosyonal sa burol ni Deo Endrinal, may binitiwang pangako

Ervin Santiago |February 06,2024
facebook
share this

Andrea emosyonal sa burol ni Deo Endrinal, may binitiwang pangako

Ervin Santiago - February 06, 2024 - 01:07 PM

Andrea emosyonal sa burol ni Deo Endrinal, may binitiwang pangako

Deo Endrinal at Andrea Brillantes

MAY binitiwang pangako ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa namayapang TV executive na si Deo Endrinal.

Sa unang gabi pa lang ng burol para sa yumaong Dreamscape Entertainment head at ABS-CBN executive nitong nagdaang Linggo, ay dumalaw agad si Andrea.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN ay talagang hindi niya napigilan ang maging emosyonal habang inaalala ang kabaitan ni Deo at ang mga naitulong nito sa kanyang showbiz career.

Baka Bet Mo: Kris nagluluksa rin sa pagpanaw ni Deo Endrinal: I’m now so sorry…

Sabi ng dalaga, isa raw talaga sa mga taong unang naniwala sa kanya at nagbigay ng magagandang oportunidad sa showbiz ay si Sir Deo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by PJ Endrinal (@pjendrinal)


“Malaki po talaga ang naitulong ni Sir Deo. Isa po talaga siya sa mga unang naniwala sa akin at binigyan din po ako talaga ng break.

“Isa siya sa mga dahilan kung bakit po nandito ako ngayon, dahil naniwala po siya sa akin,” ang emosyonal na sey ni Andrea sa naturang panayam.

Baka Bet Mo: Andrea maraming pangakong napako, gagawin lahat para sa sarili ngayong 2024

Dugtong ng aktres, “Siguro, 80% ng shows ko, or 85 or 90% ng shows ko po, Dreamscape at lahat ng mga naging lead ko po ay Dreamscape din.”

Mas naiyak pa si Andrea nang magbigay ng mensahe para sa yumaong TV executive kasabay ng pagbibitiw ng isang pangako.

“Salamat lang po sa lahat. Salamat dahil naniwala siya sa akin at salamat sa lahat ng tinulungan niya at promise na hindi namin pababayaan ang Dreamscape, lahat ng pinaghirapan niya,” ang pahayag Andrea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumakabilang-buhay si Deo Endrinal nitong nagdaang Friday, February 3 sa edad na 60. Nakaburol ang kanyang labi sa Heritage Park sa Taguig at ang inurnment ay magaganap sa February 8.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending