Andrea maraming pangakong napako, gagawin lahat para sa sarili ngayong 2024
MAY binitiwang pangako si Andrea Brillantes sa kanyang sarili na talagang kakaririn na niyang matupad ngayong 2024.
Inamin ng dalaga na marami siyang gustong gawin sa kanyang buhay at career pero feeling niya, may mga pagkakataon na hindi niya ito nagagawa dahil kulang siya sa aksyon.
Sa panayan ng “Magandang Buhay” kay Andrea kahapon, ngayong 2024 ay talagang kikilos siya at gagawin lahat ng paraan para matupad ang mga binibitiwan niyang pangako.
“Kasi parang ang dami kong sinabi nu’ng 2023 na ‘I want to do this, I want to do that.’
“Pero I just realized like couple of weeks ago na I didn’t put enough actions to make it come true, to put it into reality. For example, it doesn’t have to be malalim po.
“Like puro ako ‘I want to eat healthy, I want to workout’, never ko siyang nagawa.
“Parang ‘yung workout na ‘yon parang 2016 pa yata eh, or like ‘I want to get my driver’s license’ pero puro ako ‘wala kasi akong time,'” Brillantes said when asked what era in her life that she wants to end,” pahayag ng lead star ng hit Kapamilya series na “Senior High” na magtatapos na ngayong Biyernes.
Baka Bet Mo: Lolit Solis binuko si Paolo Contis, dream house malapit na nga bang makuha?
“Pero this year, I am going to make time and I am going to put an extra effort para magawa ko na talaga ‘yung plans ko for 2024.
“Stop procrastinating na rin. At saka ‘yung promises ko sa self ko, tutuparin ko this year. This is the year,” ang binitiwang pangako ng young actress.
View this post on Instagram
Samantala, muling nagpasalamat si Andrea sa lahat ng sumuporta sa “Senior High” mula nang una itong umere hanggang ngayong finale week.
“Sa lahat po nang sumusubaybay, sumusuporta at nanonood ng ‘Senior High’ maraming-marami pong salamat. Lahat ng eksena na ginawa namin dito sa ‘Senior High’ ay ibingay po namin lahat, lahat ng efforts, ‘yung heart po namin, lahat.
“So sobra po naming naa-appreciate na talagang pinapanood po ito ng mga kabataan and even the parents at sana po ay marami kayong natutunan sa show na ito,” sey ng kontrobersyal na young actress.
Napapanood ang “Senior High” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC, 9:30 p.m.. Kasama rin dito sina Xyriel Manabat, Elijah Canlas, Kyle Echarri, Zaijian Jaranilla at Juan Karlos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.