Lolit Solis binuko si Paolo Contis, dream house malapit na nga bang makuha? | Bandera

Lolit Solis binuko si Paolo Contis, dream house malapit na nga bang makuha?

Therese Arceo |September 22,2023
facebook
share this

Lolit Solis binuko si Paolo Contis, dream house malapit na nga bang makuha?

Therese Arceo - September 22, 2023 - 11:22 AM

Lolit Solis binuko si Paolo Contis, dream house malapit na nga bang makuha?
NI-REVEAL ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis na baka malapit nang matupad ng kanyang alagang si Paolo Contis ang pangarap na bahay.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, September 20, ibinahagi niya na mukhang mabibili na ng Kapuso actor ang sariling bahay ngayong taon dahil nakaipon na ito.

“Ang saya naman Salve ni Paolo Contis dahil baka matupad na ang pagbili niya ng dream house this year,” panimula ni Lolit.

Aniya, swerte raw ang alaga dahil nagustuhan ng mga manonood ng “Eat Bulaga” ang naging tandem nila ng mga co-hosts na sina Isko Moreno at Buboy Villar.

“Nakakatuwa na ang mga comedy skit nila at kung nuon para silang palengke ngayon supermarket na ang dating, hah hah,” sabi pa ni Lolit.

Dagdag pa niya, “At maganda din na magkaruon ng competition ang Eat Bulaga Tito, Vic and Joey version naman dahil naging very active sila ngayon at laging present na sa kanilang programa ang tatlo.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Para kay Lolit, ang mga manonood ang talagang panalo sa mga nangyayari sa noontime shows.

Bukod pa rito, nahahasa rin daw ang alaga na mas maging confident sa pagho-host.

“Bongga pa pareho mga pa premyo nila, talagang palakihan. Gustong gusto ko pa na nahasa talaga ang pagiging host ni Paolo Contis kaya naman confident na siya ngayon sa harapan ng kamera pag nag interview, puwede ng ilaban kay Boy Abunda hah hah, joke joke,” biro pa ni Lolit.

Hirit pa niya, “Pero walang biro marami na talagang enjoy na enjoy ngayon sa Eat Bulaga ng GMA, kaya tuwang tuwa sila Salve at Gorgy dahil abang na naman sila ng mga pa contest kung saan puwede sila sumali.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi

Lolit Solis handang makipagpatayan para sa mga alaga, may pakiusap sa bashers ni Paolo Contis: Huwag na natin gawin kumplikado pa ang buhay niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending