Julia umaming mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa showbiz, nagpasalamat kina Dimples at Kathryn | Bandera

Julia umaming mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa showbiz, nagpasalamat kina Dimples at Kathryn

Ervin Santiago |October 26,2023
facebook
share this

Julia umaming mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa showbiz, nagpasalamat kina Dimples at Kathryn

Ervin Santiago - October 26, 2023 - 07:25 AM

Julia umaming mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa showbiz, nagpasalamat kina Dimples at Kathryn

Julia Montes, Dimples Romana, Kathryn Bernardo at Deo Endrinal

NAPAKAHIRAP magkaroon ng mga totoong kaibigan sa mundo ng showbiz at napatunayan yan mismo ng Kapamilya actress na si Julia Montes.

Ayon sa leading lady ni Alden Richards sa pelikulang “Five Break-Ups and a Romance“, hindi raw talaga madaling magkaroon ng true friends sa entertainment industry.

“Siguro po kasi before I’m super open. ‘Yung bata na parang kung anong naiisip ko, sasabihin ko. Kasi parang feeling ko, walang other world.

“Kung ano ‘yung real life, ito ‘yung ano. Tapos iba pala. Iba pala sa showbiz. Iba pala ‘yung ganito. Ang dami palang hindi ko pa alam,” ang pagpapakatotoong sey ni Julia sa panayam ng news anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo sa vlog nito.

Chika ng partner ni Coco Martin, ang akala raw niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, kung ano ang buhay niya sa Pandacan sa Maynila ay hindi ito magbabago. Ang inaakala mo raw na totoong mga kaibigan ay showbiz friends lang pala.

Baka Bet Mo: Aktres naloka sa drama ng kilalang female star: Talagang dinededma niya ‘ko!

“Kaya I’m very lucky na I have few. Sina Ate Dimples (Romana), Eda (Nolan), Kathryn (Bernardo). Sila ‘yung mga parang key people ko na kapag ‘di na ako okay.

“Tapos hindi sila showbiz sa akin. Pero na-meet ko sila sa showbiz industry na,” sey pa ni Julia.

In fairness, pinatunayan nina Julia at Kathryn kamakailan ang tunay nilang pagkakaibigan matapos silang magsuportahan para sa kanilang respective projects.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Todo-suporta si Julia sa pelikula ni Kath na “A Very Good Girl” habang talagang dumalo at nanood naman ang girlfriend ni Daniel Padilla sa premiere night ng pelikula nina Julia at Alden Richards sa “Five Breakups and a Romance.”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake patunay sa pagiging totoong kaibigan ni Awra: Andito rin kaming mga totoong ipaglalaban ka!

Sabi nga ni Julia sa isa niyang interview, “It’s meant for me to be with Kath nu’ng panahon na ‘yun kasi nag-work kami together dahil hindi kami nagkakitaan ng, ‘Dapat ako ‘yan, eh,’ or, ‘Dapat mas ako sa kanya.’

“And that’s our magic. Eh, lagi nga namin sinasabi, kami ang first and perfect love team.

“With Kath, sobrang proud ako with her showbiz life, her business life, alam mo ‘yun? Lahat, okay, sobrang ganda nu’ng ano niya. ‘Yun lang. ‘Yun lang ‘yung lagi kong sinasabi. Hindi ko rin kasi talaga na-imagine,” aniya.

Hindi lang daw basta kaibigan ang turing niya kay Kathryn, kundi isang tunay na kapatid, “Parang dumating lang na para kang nakakita ng sister and you’re so proud of your sister na whatever happens, you’re just there for her.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And ‘yun ako sa kanya until now, na parang ups and downs, hindi lang ako laging present pero andito ako lagi,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending