Bong nanghinayang sa mga hiwalayan showbiz, may lovelife tips

Bong nanghinayang sa mga hiwalayan sa showbiz, nag-share ng lovelife tips

Ervin Santiago |February 08,2024
facebook
share this

Bong nanghinayang sa mga hiwalayan sa showbiz, nag-share ng lovelife tips

Ervin Santiago - February 08, 2024 - 07:54 PM

Bong nanghinayang sa mga hiwalayan showbiz, nag-share ng lovelife tips

Bong Revilla kasama ang iba pang cast members ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’

ISANG big family affair ang magiging Valentine’s Day celebration ng celebrity couple na sina Sen. Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado.

Yan ang kuwento ng senador at Kapuso actor nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media kahapon, February 7, sa Victorino’s restaurant sa Quezon City.

Chika ni Sen. Bong, magsasama-sama ang bawat miyembro ng kanilang pamilya sa mismong Araw ng Mga Puso kaya super excited na raw sila ng kanyang asawang si Lani.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lani Mercado Revilla (@lanirevilla)


“Mayroon nang inihahanda ang aking maybahay, si Lani, with the whole family, doon kami. ‘Yung mga kapatid ko, ‘yung mga anak ko, mga asawa-asawa nila, sama-sama kami sa bahay lang. Mag-iihaw-ihaw kami doon,” kuwento ng aktor at public servant.

Baka Bet Mo: Bong Revilla pa-yummy at fresh na fresh pa rin sa edad na 56, ‘bampira’ yarn: ‘Hindi ako nag-steroids, no stem cells pero may maintenance na rin’

Mahigit 37 years nang nagsasama as married couple sina Sen. Bong at Congw. Lani kaya ang sumunod na tanong sa aktor ay ano ang reaksyon niya sa sunud-sunod na hiwalayan ngayon sa mundo ng showbiz.

“Nakapanghihinayang siyempre. Nag-invest sila ng oras para sa relasyon na ‘yun, taon, minsan 10 years, 20 years, tapos masasayang lang, magbe-break lang sila. Sayang naman ‘yung panahon,” sabi ng Titanic Action Star.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang importante kasi sa relasyon, pagkatiwalaan ‘yung isa’t isa. Huwag ‘yung simpleng selos ay hahayaan mo nang masira ‘yung relasyon. Bigyan ng pagkakataon ang bawat isa, importante ‘yung tiwala.

“Hangga’t maaari, kung may problema, pag-usapan, huwag tulugan, tapusin n’yo the same night,” ang advice ni Sen. Bong sa mga showbiz couples.

Inamin din niya na napagdaanan na raw nila ni Lani ang halos lahat ng marital problems pero mas pinili pa rin daw nila ang mahalin at huwag bumitiw sa isa’t isa.

Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ng senador at award-winning actor sa napakataas na rating na nakuha ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” sa unang episode nito last Sunday.

Baka Bet Mo: Bong ikinumpara si Beauty kay Lani: ‘Hindi siya nalalayo sa aking maybahay, sa height, talino at sa galing’

Maituturing na isa sa pinakamalalaking show ng Kapuso Network ngayong 2024 ang pagbabalik na weekly series ni Bong kasama pa rin ang leading lady niyang si Beauty Gonzalez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


In fairness, very obvious sa pilot episode ng season 2 na hindi tinipid ang produksyon ng pagbabalik sa telebisyon ng senador.

“Nagpapasalamat ako sa GMA sa all-out support nila. At ipinakita naman talaga, na dito sa Episode 1 ng Season 2, talagang punung-puno ng action.

“In fact, pag pinanood mo, akala mo usually inilalagay na yung malaking eksena sa first part ng episode, ‘no? But dito sa atin, towards the end. Dun yung laki ng eksena. Kaya dapat panoorin niyo, makita niyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi siya pang-TV actually, e. Pelikula. Pelikula, gawang-pelikula,” ang pagmamalaki pa ni Sen. Bong sa kanilang programa na napapanood tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending