Liza Soberano nag-shine nang bonggang-bongga sa ‘Lisa Frankenstein’
NABIGYAN kami ng chance na mapanood ang first Hollywood movie ni Liza Soberano na “Lisa Frankenstein” sa ginanap sa celebrity premiere nito last Tuesday, February 6.
Ginanap ito sa SM Aura Cinema 1 sa BGC, Taguig City pero wala roon si Liza dahil nasa Amerika nga ang dalaga para personal na um-attend sa Hollywood premiere naman ng kanilang pelikula.
Para suportahan ang premiere night ng “Lisa Frankenstein” dito sa Pilipinas, present ang boyfriend ni Liza na si Enrique Gil at ang manager niyang si James Reid kasama ang girlfriend nitong si Issa Pressman.
View this post on Instagram
In fairness, malaki ang role ni Liza sa naturang horror-comedy film na idinirek ni Zelda Williams (anak ng Hollywood actor na si Robin Williams) mula sa panulat ni Diablo Cody.
Baka Bet Mo: Hollywood film ni Liza Soberano na ‘Lisa Frankenstein’ ipalalabas na sa February, 2024
In fact, pangatlo si Liza sa billing base sa opening credit ng pelikula, sumunod ang pangalan niya sa mga bidang sina Kathryn Newton at Cole Sprouse. Na karapat-dapat lang naman dahil napakahaba rin ng kanyang exposure.
At dahil wala nga siya sa red carpet premiere ng “Lisa Frankenstein” ay nagbigay muna siya ng message sa pamamagitan ng recorded video bago mag-start ang screening.
“Thank you so much to all of you, my dear friends and supporters for celebrating this special moment with me.
“I’m so sorry I cannot be there in person but I feel so warm and encouraged to know that I have people back home rooting for me,” simulang pahayag ni Liza kasunod ang pagpapasalamat sa kanyang Maya family na siyang nag-organize ng event.
View this post on Instagram
Patuloy ni Liza, “Lisa Frankenstein has been such an incredible and life-changing experience for me.
“It was an opportunity for me to grow and challenge myself. It was a chance to start from scratch, to be a newcomer that has something to prove.
Baka Bet Mo: Liza Soberano eeksena sa Hollywood movie na ‘Lisa Frankenstein’ kasama si Cole Sprouse?
“And for that, I am so thankful to my Lisa Frankenstein family for making my first experience in Hollywood a positive one.
“I wanna say thank you so much to Focus Features for having me. Of course to our incredible director Zelda Williams, and writer Diablo Cody, for allowing me to be part of your vision.
“And to my amazing co-actors Kathryn, Cole, Henry (Eikenberry), Carla (Gugino), Joe (Chrest), and to the rest of the cast and crew, thank you so much guys for welcoming me so warmly and for making each day on set a memorable one.
“Once again, thank you all for coming to this premiere. I hope you enjoy this hilarious, quirky and fun movie that Lisa Frankenstein is. And I hope I make you all proud of my portrayal of Taffy. So now, I proud present to you Lisa Frankenstein,” sabi pa ng aktres.
Horror-comedy ang “Lisa Frankestein” na ang setting ay noong 1989. Iikot ang kuwento nito sa isang 18-anyos na dalaga na nagngangalang Lisa Swallows (Kathryn Newton) na mai-in love bangkay na muling nabuhay (Cole Sprouse).
Gaganap si Liza bilang half-sister ni Kathryn sa movie magkakaroon ng isyu dahil pareho silang mai-in love sa isang lalaking makikilala nila sa pinapasukang school.
Nakaka-proud panoorin si Liza na umaakting sa isang Hollywood film at in fairness uli, hindi siya nagpatalbog sa kanyang mga co-stars. Pinatunayan talaga niya na iba ang talento ng mga Pinoy.
Sabi nga ni Enrique mang tanungin kung ito na nga ba ang pinakahihintay na break ni Liza sa Hollywood, “I hope so, you know. This is her dreams. So whatever she wants to do in her life and this is her dream, I’m all for it!”
Showing na ngayon sa mga sinehan nationwide ang “Lisa Frankestein” produced by Focus Features and Universal Pictures International.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.