Liza Diño ipinagtanggol si Robin Padilla sa pagpapa-ban ng Hollywood movie ni Gerard Butler sa Pinas, pero... | Bandera

Liza Diño ipinagtanggol si Robin Padilla sa pagpapa-ban ng Hollywood movie ni Gerard Butler sa Pinas, pero…

Ervin Santiago - February 19, 2023 - 08:33 AM

Liza Diño ipinagtanggol si Robin Padilla sa pagpapa-ban ng Hollywood movie ni Gerard Butler sa Pinas, pero...

Liza Dino at Robin Padilla

NAIINTINDIHAN ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Diño-Seguerra ang punto ni Sen. Robin Padilla laban sa Hollywood film na “Plane.”

Ito’y pinagbibidahan ng international actor na si Gerard Butler na ipinalalabas ngayon sa mga sinehan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay Liza, hindi lang daw ang pelikulang “Plane” ang inirereklamo at kinukuwestiyon ng ilang Filipino moviegoers kundi pati na rin ang “Shotgun Wedding” ni Jennifer Lopez kung saan nabanggit din ang Pilipinas na pinamumugaran ng mga rebelde.

Sa “Plane” naman, iikot ang kuwento sa pilot na si Brodie Torrance (Gerard Butler) na siyang gagawa ng paraan para mailigtas ang mga pasahero laban sa mga terorista nang matapos mag-crash ang kanilang eroplano sa Jolo, Sulu.

“Napakasakit po…nakikiusap po tayo sa ating MTRCB na sana po sa mga ganitong ganap kumakatok tayo sa opisina nila, ‘di po dapat ito pinapalabas sa Pilipinas. Dito po dapat sa ating bansa pinagbabawal ito at kino-condemn po natin ito,” ang panawagan ni Sen. Robin sa MTRCB.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino)


Ayon kay Liza, “under the rules of the Movie and Television Review and Classification Board, a movie can be shown in local theaters as long as it is not inciting rebellion or is a national threat.”

“We don’t impose strict censorship because that will curtail the creativity of our filmmakers in being imaginative,” paliwanag niya.

“But if we gave incentives and they shot the movie here, we have the right to say ‘Ay hindi pwede ‘yung lines. You’re shooting in our country and benefiting from our funds, you might want to revisit that line and look for other ways na nandu’n pa rin ang point,'” aniya pa.

Base sa naglabasang report, ang kuwento ng “Plane” ay nangyari sa Jolo ngunit kinunan ang pelikula sa Puerto Rico.

Sey pa ng actress-producer sa isang panayam, “It is already a given that when you say fiction, narrative features, it is an imagined circumstance, an imagined narrative by the director unless we are talking of a documentary.”

Ngunit aniya, bilang senador at isang Muslim, hindi maiaalis kay Robin ang masaktan at ma-offend matapos mapanood ang “Plane.”

“Naiintindihan ko ang sentimyento ng ating senador. Of course, you always want to portray the Philippines in a positive light. Of course, we want to highlight the beauty of the Philippines. As much as possible, ganun ang gusto nating mangyari.

“We should understand din where the senator is coming from because he is a Muslim and baka ‘yun ang portrayal doon. Hindi natin pwedeng i-generalize na ganoon ang experience ng lahat. For me, if I watch it, I’ll take it as a story.

“Personally kung ako ang makakapanood noon, as a viewer alam ko na nanonood ako ng fiction e. Hindi rin natin pwedeng sabihan na, we cannot impose our experience sa experience ng iba.

“That’s why it’s film. It is a very personal experience. Once you put it out there, it is open to different assessment or experience ng mga iba’t ibang taong nanonood,” paliwanag ni Liza.

Dagdag pa niya, “Maaaring sa nanood noon personal siyang naapektuhan sa personal na aspeto na iyon dahil may experience siya na nasaktan siya and that’s okay because that’s really what film is about.”

Samantala, naglabas na rin ng official statement ang MTRCB tungkol sa hinaing ni Robin, “We acknowledge the sentiments expressed by our honorable Senators concerning the film, ‘Plane.’

“Although the film is fictional, we still would not want our country to be portrayed in a negative and inaccurate light,” ang bahagi ng pahayag ni MTRCB chairperson Lala Sotto-Antonio.

“The MIRCB will reevaluate the film in view of their concerns and will take all necessary measures if found to be in any way injurious to the prestige of the Philippines or its people,” aniya pa.

Robin pinatitigil ang pagpapalabas ng ‘Plane’ ni Gerard Butler sa Pinas: ‘Reputasyon po ng Inang Bayan ang pinag-uusapan dito’

Alice may pa-tribute sa yumaong ina ngayong mommy na rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isabela LGU posibleng natagpuan na ang bahagi ng nawawalang Cessna plane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending