#Palaban: Kathryn nagpasilip ng cleavage, pinag-init ang socmed
PINAG-INIT ni Kathryn Bernardo ang social media matapos bumandera ang kanyang mga pasabog na billboard sa EDSA.
Pinusuan at umani ng sandamakmak na limes at positive comments ang latest Instagram post ng Kapamilya actress at Box-Office Queen ngayong araw, February 7.
Ibinandera ng award-winning actress ang mga billboard at photoshoot niya sa isang clothing company na 13 years nang nagtitiwala sa kanya as celebrity endorser.
Makikita sa dalawang litrato na ibinahagi ng aktres ang medyo sexy niyang pictorial dahil sa pasilip niyang cleavage.
In fairness, hindi lang mga fans ang nag-react sa mga latest photos at billboard ni Kath sa EDSA-Guadalupe, kundi pati na rin ang mga kaibigan niya sa showbiz.
Reaksyon ni Chie Filomeno, “Ginawa mong Instagram ang guadalupe. Nag post ka ng carousel kathkaaaath!!”
Baka Bet Mo: Kathryn umamin na: Ayokong may mga taong nagdidikta sa ‘kin
View this post on Instagram
“My, my, my! She’s on fire!” sey ni Alyssa Muhlach.
Hirit ni MJ Lastimosa, “Sheeeeesh!”
“Go Kath!” ang proud na proud namang mensahe ni Andrew Gan.
“DALAGAAAAAAA!” ang tili naman ni Kakai Bautista.
Narito ang iba pang comments ng IG followers ni Kath sa kanyang latest pasabog na pictorial.
“EDSA IS SHAKING!”
“TEH DASURV NA DASURV!”
“Kathryn bernardo making edsa her photo album over and over again.”
“Napakaganda!!!”
“WHOAAAAAA!”
“IG carousel on EDSA!”
“Wild! Ginawa mong sala niyo yung EDSA. Hahaha!”
“Our queeen! love you Kaaaath!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.