Kathryn umamin na: Ayokong may mga taong nagdidikta sa 'kin

Kathryn umamin na: Ayokong may mga taong nagdidikta sa ‘kin

Ervin Santiago |February 07,2024
facebook
share this

Kathryn umamin na: Ayokong may mga taong nagdidikta sa ‘kin

Ervin Santiago - February 07, 2024 - 06:05 AM

Kathryn umamin na: Ayokong may mga taong nagdidikta sa 'kin

Kathryn Bernardo

NAIINTINDIHAN ni Kathryn Bernardo kung may mga fans na nagtampo at nagalit sa kanya matapos silang maghiwalay ni Daniel Padilla.

Kung may mga supporters sila ni Daniel na nagulat at hindi sumang-ayon sa kanilang paghihiwalay, tanggap daw niya ito dahil alam niyang hindi niya kontrolado ang isip at puso ng mga tao.

Pero abot-langit naman daw ang pasasalamat niya sa mga fans nila ni DJ na hindi bumitiw sa pagmamahal at pagsuporta sa kanya, sa kabila ng mga nangyari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Masakit at mahirap din daw para sa kanya ang mga naging kaganapan sa personal niyang buhay nitong nagdaang taon pero hindi siya nagpatalo sa pagsubok at naging matapang sa pagbangon at pag-move on.

Baka Bet Mo: Alice may pa-tribute sa yumaong ina ngayong mommy na rin

“Lahat tayo may kanya-kanyang way of coping mechanism sa lahat ng nangyayari. Iba-iba rin siyempre ‘yung fans, ang laking parte nila ng buhay ko, buhay namin.

“Naiintindihan ko ‘yung iba kung saan sila nanggagaling and naa-appreciate ko lahat ng nandiyan to stay,” ang pahayag ni Kath sa panayam ni MJ Felipe para sa digital series na “On Cue.”

Patuloy pa ng Kapamilya superstar, “Naiintidihan ko ‘yun, lahat ng emotions nila, lahat ng pinagdaanan nila nung month na ‘yun, week na ‘yun. Naiintindihan ko ‘yun but mahirap din sa ‘kin, mahirap din sa amin.

“Ako ‘yung klase ng tao na ayokong feeling ko hindi ko hawak ‘yung buhay ko, ayoko na may nagdi-dictate sa ‘kin. It was a challenging year for everybody, especially the last quarter, and for the fans as well,” aniya pa.

Mariin pang sabi ni Kathryn, “Kung ako ‘yung fan din siguro na kailangan ko rin tanggapin ‘yung decision ng idol, kahit alam kong hirap na hirap ka, kasi you love this person so much, so kailangan susuportahan ko ‘yung gusto niya. And binigay nila ‘yun sa akin.

“Doon ko na-feel na grabe, itong mga tao ‘to, more than their support and anything, nakikita ka nila as tao. Ang galing, ibang klase sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nag-thank you ako, ‘yun ‘yung ‘di nila pina-feel sa ‘kin na I need to explain anything, they respected that. Slowly, things are getting better,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

Ang punto pa ng ex ni DJ, “Hindi ko naman sila pinipilit, ibinibigay ko sa kanila ‘yung freedom to decide. But this is me, this is what I want to do.

“If you’re gonna stay, thank you. If not, thank you pa rin kasi naging parte ka ng ilang years na ‘yun.

“If a woman is happy or contented, hindi mo na kailangan i-explain ‘yung sarili mo. It just shows how happy you are and maybe ‘yun ‘yung nakikita ng tao sa ‘yo ngayon. I’m just really happy and contented. I’m at peace,” sabi pa ni Kath sa naturang panayam.

Tungkol naman sa mga major, major changes sa kanyang personal life at career, “I just want to experience all these emotions and kung ano ‘yung makikita nila sa mga gagawin ko, bago ako mag-yes sa isang project, sobra ko ‘yang pag-iisipan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So once I say yes, ibig sabihin naniniwala ako sa project na ‘yun. So kung anuman ‘yung mapagde-decidan kong gawin, gagawin ko ‘yun all out. Kung anuman ‘yung challenge, I’m ready to take that challenge,” sabi pa ni Kathryn Bernardo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending