Kathryn inalok lumipat sa ibang network, pero loyal sa ABS-CBN
DIRETSAHANG inamin ng Kapamilya actress at Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo na may natanggap siyang offer mula sa ilang TV Network.
Sa muling pagpirma ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla ng exclusive contract sa ABS-CBN, ni-reveal nga niya na may nag-alok sa kanya na lumipat ng TV network at management agency.
Naganap ang contract ni Kath sa ABS-CBN last Friday, February 2, at dito nga niya nabanggit ang tungkol sa mga naging offer sa kanya na mag-ober da bakod.
View this post on Instagram
“I’ve seen the articles, the news, and for me naman kasi as a celebrity and siguro, I can speak in general for the celebrities, when your contract is ending, normal naman talaga to get offers from different networks, managements, or whatever. Parang it’s a normal thing,” pahayag ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Ryan Bang nakatanggap ng offer mula sa isang Korean entertainment group, mas pinili ang Pilipinas
Para naman sa dalaga, walang masama kung maka-receive man ng offer mula sa ibang istasyon o management agency ang isang talent, lalo na kung naghahanap ng “iba” o “bago” ang artista.
“And I don’t see anything wrong with it sa mga naka-decide na you know na lilipat. Desisyon mo ‘yun. We all have the freedom to decide kung sino ang gusto mong mag-manage sa ‘yo,” mariing pahayag ng aktres.
For her part naman, tinanggihan daw niya ang lahat ng nag-offer sa kanya dahil naka-set na ang isip at puso niya na manatili sa ABS-CBN at sa Star Magic na naging tahanan na niya sa loob ng 20 years.
“Mabilis ko sigurong nasagot na hindi talaga. Because hindi ko naman siya naisip, because I’m very happy with everything now.
View this post on Instagram
“Especially the partnership and the friendship with Direk Lauren (Dyogi) and Star Magic. Hindi ko talaga siya na na-entertain pero there were offers siyempre.
“But I know deep inside my heart na ABS is my only choice,” ang pahayag pa ni Kathryn sa naturang panayam.
Sa kanyang contract signing, inalala ni Kathryn ang naging pangako niya sa Kapamilya network, apat na taon na ngayon ang nakararaan. Ito yung kasagsagan ng ABS-CBN shutdown.
“I remember 2020, I made a promise. Sinabi ko sa ABS-CBN na ‘hindi kita iiwan at nandito lang ako hanggang makabangon ka ulit.’
Baka Bet Mo: Dimples Romana tumangging gawin ang lesbian movie, sagot sa direktor: ‘Hindi pa po yata ako handa’
“Today, here I am fulfilling that promise. Ang daming nangyari sa ABS-CBN but mahal ko sobra yung kumpanya.
“To my ABS-CBN family, this is my second home and alam kong medyo natagalan tayo dito hindi dahil sa iniisip niyo. I will always choose ABS-CBN. You know that this is my second home. You’re my Kapamilya and I will do anything for my family,” mensahe pa ni Kath.
Samantala, ibinalita rin ni Kathryn na mas marami pang pagbabagong mangyayari sa kanyang career ngayong 2024 at sa mga susunod pang taon.
“May kaunting adjustments talaga but then it’s a good kind of change. Ngayon mo lang to nafeel na it’s so empowering as a woman.
“Ang sarap sa pakiramdam na alam ko na hawak ko lang ngayon yung buhay ko, yung sarili ko, kung saan ko gusto pumunta, kung ano yung gusto ko gawin,” aniya.
Pagkatapos ng matagumpay niyang pelikula with Golden Globe nominee Dolly De Leon, bibida uli si Kathryn sa isa na namang mapanghamong pelikula, ang “Elena 1944” na ididirek ni Olivia Lamasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.