Vice Ganda balak nga bang mag-ober da bakod sa GMA-7? | Bandera

Vice Ganda balak nga bang mag-ober da bakod sa GMA-7?

Therese Arceo |May 21,2022
facebook
share this

Vice Ganda balak nga bang mag-ober da bakod sa GMA-7?

Therese Arceo - May 21, 2022 - 09:16 PM

Vice Ganda balak nga bang mag-ober da bakod sa GMA-7?
USAP-USAPAN ngayon si Unkabogable Star Vice Ganda dahil may kumakalat na balita na may balak raw itong mag-ober da bakod mula Mother Ignacia papunta sa Kamuning.

Nagsimula naman ang tsikang ito nang mamataan na may kausap na direktor ang komedyante na mula sa GMA-7.

Sa kanyang Youtube channel na “Ogie Diaz Showbiz Update” ay agad na tinuldukan ng kaibigan at dating talent manager ni Vice Ganda ang bali-balitang pag-oober da bakod ng komedyante.

Ang direktor pala na tinutukoy sa mga chika na kausap ng komedyante ay ang kasalukuyang direktor ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa Kapuso network na “Happy ToGetHer” na si Direk Edgar “Bobot” Mortiz.

Aniya, nagkausap lang naman daw sina Direk Bobot at Vice Ganda ukol sa isang show na gagawin sa ibang bansa.

Sey naman ni Mama Loi, dahil daw sa naturang pagkikita ng dalawa ay kumalat ang chismis na ang Unkabogable Star ang papalit sa iniwang time slot ng game show na “Wowowin” ni Willie Revillame na sa kasamang palad ay hindi na nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

 

Inamin naman ni Ogie na hindi niya rin alam ang buong detalye ng meeting ng dalawa pero ang tanging naibulong lang daw sa kanya ay may balak ang dalawa na project abroad.

“Ang nakarating sa akin, sabi ng isang common friend namin ni Direk Bobot, parang merong show abroad na pinag-uusapan ‘yung dalawa, yun lang yun,” diretsahang saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Pero hindi ko alam bukod doon e nag-usap pa sila tungkol doon sa chismis na lilipat si Vice.”

Singit pa ni Mama Loi, hindi rin daw kasi nakadalo ang komedyante sa birthday celebration ng Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Tita Cory Vidanes kaya mas lalong umigting ang haka-haka ng pag-alis nito sa poder ng Kapamilya at hindi pa rin daw nila ito nababalitaang pumirma ng kontrata.

“”Hindi natin alam kung may network contract si Vice. Ang alam ko kasi ‘pag may network contract merong contract signing. Kaya nga hindi pa natin nakikita si Vice. Baka wala pang network contract o baka hindi pa expired ‘yung contract niya,” sey ni Ogie.

Sa kabilang dako, naniniwala naman si Ogie na kung may katotohanan naman ang chika na mangangapitbahay na ang kaibigan o gagawa ito ng malaking desisyon ay paniguradong ia-announce niya ito sa kanyang noontime show na “It’s Showtime”.

Related Chika:
Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda nilektyuran ni Arnell Ignacio tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN

Vice Ganda namigay ng pera sa mga ‘It’s Showtime’ staff and crew: P5,000 bawat isa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending