Carmina pinabulaanang pakialamera sa mga anak: Normal reaction ‘yon
DIRETSAHANG sinagot ng actress-TV host na si Carmina Villarroel sa mga isyung kumakalat ukol sa umano’y pagiging “pakialamera” niya sa mga anak.
Sa vlog ni Ogie Diaz na inilabas noong January 28, nausisa ng talent manager ang Kapuso star ukol sa hindi mamatay-matay na isyu.
“Bakit naging isyu ang pakialamera, e, normal na sa parents ‘yon?” tanong ni Ogie kay Carmina.
Sey ng aktres, hindi niya alam kung saan ito nanggagaling at isa pa, hindi rin naman siya apektado.
“Ako, hindi naman ako affected. Hindi ko nga ginagamit ‘yong word na ‘pakikialam.’ Kasi tayo bilang mga magulang, of course we care for our children. We love our children,” saad ni Carmina.
Pagpapatuloy niya, “So, gina-guide natin sila. Gagabayan natin sila. Kung may mali silang ginagawa, itatama mo. Ngayon kung may tama silang ginagawa, pupurihin mo at sasabihin mo ‘Anak, ipagpatuloy mo ‘yan.’ That’s not pakikialam.”
Baka Bet Mo: Carmina Villarroel sa mga anak: You will always be admired by those who know you best
View this post on Instagram
Ani Carmina, kapag na may nanakit sa anak mo, magiging dedma ka lang ba at hindi makikialam?
“‘Di ba hindi? O, ngayon ‘pag may nanakit sa anak mo at dinefend mo, nakikialam ka na? ‘Di ba hindi rin? Kasi syempre normal reaction ‘yon,” sey ng aktres.
Inamin rin ni Carmina na may nanakit raw sa kanyang anak emotionally.
“Pero alam ko naman kasi kung ano ‘yong totoo. Alam ng mga anak ko kung ano ‘yong totoo.
“So, masakit hindi dahil totoo. Masakit kasi pinagbibintangan sila,” lahad ni Carmina.
Samantala, wala namang binanggit ang aktres kung sino sa dalawang anak na sina Mavy ay Cassy ang nasaktan.
Ngunit matatandaang umugong ang balita last November 2023 na tila hiwalay na sina Mavy sa kanyang girlfriend na si Kyline Alcantara matapos ang mga naging sunud-sunod na cryptic post nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.