Maey Bautista may 'pagnanasa' kay Bong; enjoy sa banyo scene

Maey Bautista may ‘pagnanasa’ kay Bong; nag-enjoy sa kanilang banyo scene

Ervin Santiago |January 31,2024
facebook
share this

Maey Bautista may ‘pagnanasa’ kay Bong; nag-enjoy sa kanilang banyo scene

Ervin Santiago - January 31, 2024 - 07:05 AM

Maey Bautista may 'pagnanasa' kay Bong; nag-enjoy sa kanilang banyo scene

Maey Bautista, Beauty Gonzalez at Bong Revilla

LAUGH trip ang cast members at showbiz press dahil sa kalokahan ng Kapuso TV host-comedienne na si Maey Bautista.

Agaw-eksena nga ang komedyana sa ginanap na grand mediacon ng Kapuso action-comedy series na “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2” recently.

Isa si Maey sa mga bumalik na character sa weekly series ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Sen. Bong Revilla at Beauty Gonzalez para sa season 2 nito na magsisimula na sa darating na Linggo, February 4.

Baka Bet Mo: Maey Bautista payag pakasalan si Betong Sumaya: ‘Why not? Sobrang ang galing-galing niya sa lahat ng aspeto ng buhay!’

Palakpakan at tawanan ang lahat ng nasa presscon nang ipakita na ang eksena niya sa trailer kung saan pumasok siya sa banyo bilang si Kapitana habang naliligo si Tolome na ginagampanan nga ni Bong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by maeybautista (@maeybautista)


Nagsisigaw si Kapitana nang makita si Tolome pero parang nagustuhan naman niya ang kanyang nadiskubre habang nasa shower si Tolome.

Sa one-on-one interview namin sa komedyana kasama ang ilan pang members ng press, natanong siya kung ano ba talaga ang suot ni Sen. Bong sa kanilang banyo scene?

Baka Bet Mo: Kapuso comedienne nag-apply kay Coney bilang dyowa ni Vico: Matataypan po kaya niya ako?

“Yung totoo po? Boxers,” ang sagot ni Maey na sinundot ng tanong kung basa talaga ang senador sa eksena. “Opo, talagang game siya na magbasa talaga.

“Nu’ng una po kasi talaga, ako yung basang-basa. Yung pangalawa, siya yung basa po talaga,” nakangiting sey ni Maey.

Na-touch ba niya ang basang katawan ni Sen. Bong? “Ay, naku! Salamat, Senator! Pero thank you, Sir, kasi…” ang biting sabi ng Kapuso comedienne.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by maeybautista (@maeybautista)


Sabi ni Maey, ni-rehearse raw nila ang blocking sa kanilang banyo scene, “Pero kailangan mong… as much as possible, wala nang take two. Kasi mahihiya kang basang-basa na si Senator, ite-take two niyo pa po. Baka lagnatin na si Sen.”

Nang matanong kung hanggang saan niya na-touch ang aktor at public servant, “Ha-hahaha! Sa totoo lang, halos lahat ng parte ni Senator, except of course yung private part, kasi siyempre respeto naman din po.

“Opo, respeto. Pero ang nakakatuwa po kay Sen, nagpapaubaya po talaga siya. Siyempre ako naman po, e, nagte-take advantage,” natatawa pa ring esplika ng komedyana.

Wala ring kagatul-gatol na inamin ni Maey na totoong may pagnanasa siya kay Sen. Bong, “Actually po, kung hindi mo siya titingnan na senator, yung bilang tao, co-actor charming at saka bungisngis. Yung sobrang babaw ng kaligayahan niya.”

Samantala, mapapanood na ang pilot episode ng “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2” sa February 4, 7:15 p.m. sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin dito sina Max Collins, Lianne Valentin, Liezel Lopez, Herlene Budol, Celeste Cortesi, Mika Salamanca, Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, Niño Muhlach, Kelvin Miranda, Dennis Padilla, Carmi Martin at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending