Celeste bet na bet si Alden, type rin makatrabaho si Michelle

Celeste Cortesi bet na bet si Alden, type rin maka-collab si Michelle Dee

Ervin Santiago - January 30, 2024 - 11:12 AM

Celeste Cortesi bet na bet si Alden, type rin makatrabaho si Michelle Dee

Celeste Cortesi, Alden Richards at Michelle Dee

HANDANG-HANDA na ang beauty queen na si Celeste Cortesi sa mga challenges na haharapin niya sa mundo ng showbiz.

Bilang bahagi ng kanyang preparasyon sa pagpasok niya sa larangan ng aktingan, kinakarir na ni Celeste ang pagsasalita ng Tagalog.

Inamin ng dalaga na matagal na niyang gustong mag-artista pero mas nauna lang daw ang pagtupad niya sa isa pa niyang ultimate dream – ang maging beauty queen.

In fact, bago pa man siya rumampa nang bonggang-bongga sa mundo ng beauty pageant ay sumailalim muna siya sa  acting workshop.

Baka Bet Mo: Iza aminadong natatakot sa mga responsibilidad bilang nanay: Pero kailangan talagang maniwala ka sa sarili mo

Pero pansamantala muna niyang isinantabi ang pangarap niyang maging artista dahil kailangan niyang mag-training para sa Miss Universe Philippines 2022.

In fairness, nagtagumpay naman si Celeste na makuha ang titulo at korona kaya agad siyang sumabak sa mas matinding training para sa paglaban niya sa Miss Universe 2022 pageant.

Ayon kay Celeste, wala na siyang balak mag-join uli sa alinmang beauty pageant dahil gusto na niyang mag-focus sa pag-aartista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagpapasalamat nga ang dalaga na binigyan agad siya ng pagkakataon ng GMA 7 na matupad ang kanyang pangarap na maging aktres.

Kasama siya ngayon sa action-comedy series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” na pinagbibidahan nina Sen. Bong Revilla at Beauty Gonzalez.

“It’s a new challenge and I think it will make me learn and grow more and it’s a passion,” ang sey ni Celeste nang makachikahan ng BANDERA sa grand mediacon ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”

Baka Bet Mo: Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…

Wish ni Celeste na makagawa pa ng mas maraming acting projects in the future. Aniya, mas type niya ang action genre pero okay din sa kanya ang drama at romcom.

Natanong din si Celeste kung sino pa ang gusto niyang makasama sa kanyang next projects.

“Sana tall and guwapo. Ha-hahaha!” chika ng dalaga.

Bet daw niyang makatrabaho ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, “I know Alden. He’s a good friend of mine. Sana magkatrabaho kami. Let’s see.

“We’ve been going to the same gym together. He’s such a good actor. I hear so many good things about him.

“So definitely, if I have given the chance to work with him, it will be a very good chance for me to learn and grow,” sey pa ni Celeste.

Bukod kay Alden, gusto rin niyang makatrabaho si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

“For a project, I’m pretty much open to explore anything, just because it’s a professional environment. Of course, I would love to work with Michelle Dee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“She’s my friend. And she’s taller than me. Hahahaha!” sey pa ni Celeste.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending