Kapuso comedienne nag-apply kay Coney bilang dyowa ni Vico: Matataypan po kaya niya ako? | Bandera

Kapuso comedienne nag-apply kay Coney bilang dyowa ni Vico: Matataypan po kaya niya ako?

Ervin Santiago |April 01,2021
facebook
share this

Kapuso comedienne nag-apply kay Coney bilang dyowa ni Vico: Matataypan po kaya niya ako?

Ervin Santiago - April 01, 2021 - 09:45 AM

“NAG-APPLY” pala ang Kapuso host-comedienne na si Maey Bautista sa veteran actress na si Coney Reyes para maging girlfriend ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Aliw na aliw kami sa ginawang interview ni Maey kay Coney para sa isang vlog YouTube. Nagkasama ang dalawa sa katatapos lang na Kapuso serye na “Love Of My Life”.

Una muna nilang napag-usapan ang naging experience nila noong kasagsagan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Ani Coney, isa raw sa mga natutunan niya sa pananatili nang ilang buwan sa bahay ay ang paglalaba.

“Ang dami kong natutunan, ‘yung mga matagal ko nang hindi ginagawa, akala ko hindi ko na alam gawin, nagagawa ko pa tulad ng laundry. Naglalaba na ko, natuto na ko maglaba,” aniya.

Dagdag pa ng award-winning actress, “I read something many years ago, doing household chores will keep you calmer. I actually enjoyed it kasi kung I’ll be locked in the house, maloloka ako so at least may ginagawa ako.”

Bukod dito, mas lalo pa raw tumibay ang pananampalataya niya sa Diyos, “When you look at it, it seems everything is hopeless, many people are getting depression so gusto ko lang i-encourage ‘yung mga tao na nanonood, mga viewers mo, mga followers mo na there’s always hope.

“When there is life, there is hope and your hope should be based on what we know about Jesus and if we have faith, strong faith, trusting God is going to turn around things for our good then it will really happen.

“We just need to think God is in control and take one day at a time. Sa buhay talaga one day at a time e. If you think too far ahead, sobra ka talagang made-depress, mawawalan ng pag-asa.

“If you keep on looking back naman, you keep on comparing. Ang hirap din kasi, ‘di ba, kasi parang ‘di ka maka-move on.

“There are lots of things to learn from this pandemic but, basically, it’s God showing that it’s only him who is in control,” dire-diretsong pahayag pa ng aktres.

Kasunod nito, talagang naisingit pa ng komedyana sa usapan ang anak ni Coney na si Mayor Vico. Birong tanong ni Maey, “Matataypan po kaya ako ni Vico?”

Tugon naman sa kanya ni Coney, “Ang pag-iisip n’ya ngayon tungkol sa pandemya e. Malay natin.”

May ipinakita pang resume si Maey kay Coney at balak daw niyang mag-apply bilang dyowa ni Vico, “Pakibigay na lang po sana, baka pwede pong i-approve n’yo na.” Aliw na aliw naman si Coney sa pinagsasabi ng komedyana.

Samantala, kung mabibigyan daw siya ng chance, after “Love Of My Life,” gusto naman daw subukan ng veteran actress ang medyo light na proyekto.

“Actually kasi matagal ko na sinasabi gusto ko ng comedy, gusto ko ng something light, ‘di ba? Kahit ano na mang project ‘pag in-offer sa akin nang maayos at inilatag sa akin, in-explain kung ano, minsan napapa-oo ako kasi ‘pag challenging ‘yung roles. But I really like to do something light naman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nais daw niyang makatrabaho sina Roderick Paulate at Carmi Martin na napakagaling daw pagdating sa pagko-comedy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending