Heart tinawag na ‘toxic’ ng mga dating katrabaho: Masama yata akong tao?
UMIIYAK na nagkuwento si Heart Evangelista tungkol sa mga taong nagsasabing “toxic” siyang kasama at katrabaho.
Walang binanggit na mga pangalan ang Kapuso actress, pero ang paniwala ng mga netizens na nakapanood sa isa niyang YouTube vlog, kabilang dito ang dati niyang glam team.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyu sa pagitan ni Heart at ng dati niyang glam team na sina Justin Louise Soriano at Jeck Aguilar.
Nabuhay muli ang isyu sa kanila nang hindi makalipad sina Justin at Jeck patungong Dubai para samahan ang kanilang bagong client na si Pia Wurzbach. Hinihinala ng mga netizens na may kinalaman daw si Heart about this.
View this post on Instagram
Sa gitna ng isyung ito, nilagyan din ng malisya ang Instagram post ni Heart last January 26. Ito yung photo ng libro ng American pastor-writer na si Louie Giglio na may title na “Don’t Give the Enemy a Seat at Your Table” na nakalagay sa kanyang sosyalerang bag.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes umaming ‘gantitera’ sa mga nagdaang relasyon: I really like to get even or I even get worse
Ang caption ni Heart sa kanyang IG post, “Not Today (no-entry sign emoji).”
Kasunod nito, naglabas nga si Heart ng vlog last January 25 na kuha pa noong November, 2023, sa Singapore kung saan um-attend ang fashion icon at aktres sa iba’t ibang events.
Dito nga makikitang umiiyak si Heart habang nagkukuwento tungkol sa pangnenega ng ilang taong dati niyang nakasama at ang pagtawag sa kanya ng “toxic”.
“Whenever I get problems, like personal problems, I couldn’t even be in a bad mood because they would make me feel like I’m so (toxic). I mean, they would really make me feel like I’m so toxic.
“And so ngayon, kahit I try to be happy, I try…even if I have my own problems, I try to not be selfish. But I’m only human and I’m really tired.
“You know, I’m really tired of overthinking, I’m tired of thinking about what other people, you know? What other people…I hate it.
“And at the same time, you feel like you’re a bad person so you deserve it. Because you feel, like, because you’re problematic, you’re toxic to everybody, yung ganu’n,” tuloy-tuloy na pagsusumbong ni Heart sa mga kasama niya sa vlog.
Patuloy niya, “I mean, I’m trying to entertain na nga din kasi yun yung way ko of getting over it. Overcompensating ako kasi alam ko, may problem ako personally. So ako, ‘Anong gusto niyong gawin ngayon?’
View this post on Instagram
“Mas bubbly pa ako before, kasi pina-fight ko yung mga personal problems ko. I mean, I know my problem wasn’t really a good problem.
“I really was going through tough times at the time. But di naman…it had nothing to do with them naman,” lahad pa ng wifey ni Sen. Chiz Escudero.
Dahil sa mga pangyayaring ito, nasabi rin ng Kapuso star na kinailangan niyang baguhin ang kanyang personality at ilang pananaw sa buhay.
“But because parang they paint you like you’re such a bad person, so parang you’re extra, like, you know, parang you have to be extra perfect to people around you.
“And I mean, it’s so bad. That’s why, parang, even if it’s…before, of course, I was triggered because they made me think na competition ganyan, competition ganito.
“I would be triggered about that because they would feed that to me. But now that I’m alone, it’s really not about other people, you know?
“It’s about, like, they really destroyed my inner joy and my… how bubbly I was, how I was so carefree, you know? And I’m still struggling because parang I wish I wouldn’t have to see them.
“But parang dinumihan nila yung part ng area kung saan ako nagtatrabaho, nandiyan sila. Na parang, of course, I’ll get over it…” sabi pa ni Heart na tuluyan nang napaiyak.
Mas lalo pa raw siyang nagdamdam nang tanggalin ng mga dati niyang kasama ang mga collaboration projects nila sa Instagram.
“You know what he did? He took out all of our collaborations together. Like, what did I do to you? You were the one that… parang ganon ba ako kasama?
“Yung parang, so pati ako, napapa-question ako, ‘Masama yata akong tao.’ Pati ba naman yun, galit na galit ka? Ano bang ginawa ko?
“Meron pala akong natitirang yung damage nila sa akin. Yun yung nandu’n ako. It’s not anymore about them, and what they do now. It’s the damage that they have done,” aniya.
Isang kasama ni Heart sa vlog ang nagsabing meron siyang “power to choose” kung sino ang gusto niyang tanggalin sa buhay niya.
“They’re part of your nightmares that happened. Pero you also have the power to choose if you want to think about it or you want to think about the people here,” sabi pa nito kasabay ng pagsasabing ang “forgiveness” daw kung minsan ay hindi para sa nakaaway mo kundi para sa sarili mong peace of mind.
“Forgiveness is not really forgiveness. It’s for you. It’s for you to be free,” sabi pa ng kausap ni Heart. Pero ayon sa Kapuso fashion icon, “Wala pa ako du’n.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.