Heart Evangelista seatmate si TWICE Mina sa Paris Fashion Week

Heart Evangelista naging ‘seatmate’ si Mina ng TWICE sa Paris Fashion Week

Pauline del Rosario |January 27,2024
facebook
share this

Heart Evangelista naging ‘seatmate’ si Mina ng TWICE sa Paris Fashion Week

Pauline del Rosario - January 27, 2024 - 01:26 PM

Heart Evangelista naging ‘seatmate’ si Mina ng TWICE sa Paris Fashion Week

Heart Evangelista, TWICE member Mina

TRENDING ulit sa social media ang fashion icon at socialite na si Heart Evangelista ngayong Paris Fashion Week.

Hindi ito dahil sa kanyang bonggang OOTD, kundi dahil nakasama niya ang TWICE member na si Myoi Mina!

Naging seatmates ang dalawa sa Fendi Couture Spring/Summer 2024 show sa Paris noong January 25.

Kitang-kita sa viral photos na talaga namang “stunning” at “undeniably gorgeous” ang dalawa habang pak na pak sa kanilang pagpo-pose sa mga camera.

Agaw-pansin din sa fans kung gaano ka-super close sina Heart at Mina sa upuan habang nanonood ng mga rumarampa sa runway.

Baka Bet Mo: Heart nagtagumpay dahil sa nagpakatotoo: Kikay talaga ako at may narating ang pagkakikay ko

Tuwang-tuwa ang marami dahil tila mag-bestfriends ang dalawa kung titingnan.

May isang fan na ibinandera ang video na spotted sina Heart at Mina at sabay sabing: “PAK PARANG MAG BESTIES YUNG GAP BETWEEN MINA AND HEART EH HAHA KYOT”

Sumang-ayon ang isa pang netizen habang ibinahagi naman ang isang litrato na kuha mula sa likuran ng dalawa.

“Kahit pala wala pa si manspreading guy, dikit na dikit na si Mina kay Heart. Ang cute nila tingnan [laughing emoji],” saad sa caption.

Hindi lang naman si Mina ang bigating K-Pop idol ang na-meet ni Heart sa mga fashion show.

Kung matatandaan, nag-trending din ‘yung nakatabi niya ang isa sa mga miyembro ng K-Pop boy group na “GOT7” na si Yugyeom noong 2022.

Ibinandera pa nga niya ‘yan sa kanyang YouTube vlog habang ipinapakita ang ilang “behind-the-scenes” footage sa 2022 Milan Fashion Week.

Pilit pang tinatago ni Heart ang kanyang pagka kilig at nanatiling kalmado sa buong show.

Sey pa niya sa kanyang vlog, “Kunwari lang wala akong pake, pero na-stress ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yung katabi ko, para sa inyo ito,” ani pa niya sa fans.

Maliban pa riyan, naging usap-usapan din sa social media noong naging seatmate naman niya ang ang K-pop soloist at dating miyembro ng Girls’ Generation na si Jessica Jung noong 2019.

‘Yan naman ay proud niyang ipinost sa kanyang Instagram account na umani ng mahigit 150,000 likes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending