Ruru siguradong si Bianca na ang pakakasalan: It's my final answer

Ruru siguradong si Bianca na ang pakakasalan: Siya na, it’s my final answer

Ervin Santiago |January 29,2024
facebook
share this

Ruru siguradong si Bianca na ang pakakasalan: Siya na, it’s my final answer

Ervin Santiago - January 29, 2024 - 11:16 AM

Ruru siguradong si Bianca na ang pakakasalan: Siya na, it's my final answer

Christopher Roxas, Gladys Reyes, Bianca Umali at Ruru Madrid

SURE na sure na ang Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid na ang pakakasalan niya in the future ay si Bianca Umali.

Nakachikahan namin at ng ilan pang miyembro ng entertainment press sa 20th anniversary celebration nina Gladys Reyes at Christopher Roxas at sa 18th birthday ng anak nilang si Christophe last Saturday, January 27.

Pauwi na ang Kapuso celebrity couple mula sa party nina Gladys at Christopher at ni Christophe nang mag-request ang press kung pwede silang ma-interview kahit sandali lang.

Natanong ang Kapuso actress kung anu-ano ang mga nabago sa kanya nang dumating sa buhay niya si Ruru?

Baka Bet Mo: Ken Chan ‘pakakasalan’ si Rita Daniela: Napakaswerte ng magiging asawa niya!

“Siguro masasabi ko na si Ruru sa buhay ko, siya yung…clichè mang pakinggan, pero siya talaga yung ilaw naman,” ani Bianca. Super smile naman si Ruru na nagmuwestra ng image ng bombilya sabay hirit ng, “Di ba? Light!”

Patuloy ni Bianca, “All of life kasi, I’ve always felt alone, and I’m sure a lot of people know that. Na dahil sa sobrang pagka-independent, I was also very distant from my family, from everyone, hindi ako ganun makasalamuha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“But ever since Ruru came into my life, unang-una, na-achieve ko na maibigay ko sa sarili ko yung faith ko.

“Pangalawa, nailapit niya ulit ako sa pamilya ko. And pangatlo, malaki yung naging self-improvement ko.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid, Bianca Umali magtutulong para maipatayo ang dream house, uunahin muna ang mga kailangan ng kani-kanilang pamilya

“Mas natuto akong magmahal at tinuruan niya akong okay lang buksan ang sarili sa mga tao. Dahil normal lang ang masaktan at hindi ako dapat matakot,” lahad ng dalaga.

Sey naman ni Ruru, “Takot kasi siya dating magtiwala. Pero sabi ko sa kanya, wala siyang dapat ikatakot. Kasi ganu’n naman talaga ang buhay. Kailangan mong sumugal kahit na kanino.”

Paano naman ilalarawan ni Ruru si Bianca bilang partner, “Si Bianca ang buhay ko! Ha-hahaha!”

Sa tanong kung si Bianca na ba ang babaeng pakakasalan niya, “Siya na, siya na! Wala nang pagdadalawang-isip. It’s my final answer!

“Always and forever, yun ang sagot ko. Ha-hahahaha!” hirit pa ni Ruru.

Sey naman ni Bianca, si Ruru na rin ang gusto niyang mapangasawa,

Tumango agad ang dalaga sabay dialogue ng, “Hindi n’yo na po kailangang tanungin. Just wait for the date!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit uli ni Ruru, “I mean siyempre kapag nagmahal, you’re hoping na talagang siya na. Hindi naman natin alam kung ano yung mga mangyayari sa future but katulad ng sinabi niya kanina, pipilitin naming piliin ang isa’t isa araw-araw.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending