Ken Chan 'pakakasalan' si Rita Daniela: Napakaswerte ng magiging asawa niya! | Bandera

Ken Chan ‘pakakasalan’ si Rita Daniela: Napakaswerte ng magiging asawa niya!

Ervin Santiago - July 14, 2021 - 09:09 AM

“PAKAKASALAN!” Yan ang ipinagsigawan ng Kapuso actor na si Ken Chan patungkol sa leading lady niya sa seryeng “Ang Dalawang Ikaw” na si Rita Daniela.

Diretsahang sinabi ng aktor na pakakasalan niya ang dalaga nang tanungin kung jojowain o totropahin ba niya ito sa episode ng “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition” nitong nagdaang weekend.

Kilig na kilig naman ang mga host ng programa na sina Mavy at Cassy Legaspi sa tinuran ni Ken. Hindi raw talaga nila inaasahan na ganu’n ang magiging reply ng binata.

Paliawanag ni Ken, pakakasalan daw niya si Rita dahil halos lahat daw ng mga qualities ng isang babae na gusto niyang mapangasawa ay taglay daw ng kanyang ka-loveteam.

“Yes, pakakasalan. Nakita ko kay Rita ‘yung standard ko sa isang babae. ‘Yung isang babae na alam mong puwedeng gawing asawa.

“Kahit sinong lalaki na in the future kasi kung ano man, hindi natin alam. Suwerte kung sino man ang mapapakasalan ni Rita Daniela, at sinabi ko ‘yun sa kanya. Lagi ko yung sinasabi sa kaniya,” pahayag pa ni Ken.

“Jojowain” naman ang isinagot ni Rita nang tanungin kung jojowain o totropahin ba nito si Ken.
Hirit naman ng singer-actress sa kanyang leading man, gusto raw niya muna ng jowa bago kasal.

Ipinagdiinan din ng dalaga na maraming magagandang katangian ang aktor kaya pasadung-pasado ito bilang boyfriend material.

“Kasi you’re you, walang taong katulad mo. Masipag sa work, super mabait sa tao, tapos love na love niya ‘yung family niya, lagi niyang inuuna ‘yung ibang tao bago ‘yung sarili niya,” pahayag pa ni Rita.

Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ratings game ang Kapuso afternoon series ng RitKen na “Ang Dalawang Ikaw”.

Tuluy-tuloy pa rin ang papuring natatanggap nina Ken at Rita, pati ng buong production mula sa mga manonood dahil sa magaganda at kapana-panabik na mga eksena sa serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre, bukod sa kilig scenes ng RitKen, inaabangan din ng viewers ang mga confrontation scenes at palitan ng maaanghang na hugot lines nina Rita at Anna Vicente, ang palaban ding kaagaw niya kay Ken.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending