Jillian Ward ginulat ang fans, bigay na bigay sa biritan: ‘Grabe batang ‘to!’
LALONG pinahanga ng Kapuso young star na si Jillian Ward ang kanyang fans matapos pakitaan ng kanyang talento pagdating sa pagkanta.
Sa isang Instagram video, ibinandera ni Jillian na nagkaroon siya ng mala-concert na performance habang siya ay nasa isang stage.
Mapapanood din na talaga namang birit kung birit siya sa hit song na “Through the Fire” ng American singer na si Chaka Khan, habang napapahiyaw naman ang kanyang fans sa background.
View this post on Instagram
Sa comment section, tila gulat na gulat ang maraming netizens dahil bukod sa pag-arte ay magaling din palang kumanta sikat na young star.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Taas ng boses lodi…akala ko sayaw, beauty and brains lang..pero songer din pala ah..ayus!”
“Complete package talaga ‘tong batang ‘to! [happy face with heart eyes emojis]”
“Ubod ng ganda galing pang kumanta [fire, clapping hands emojis]”
“Ay akala ko ba ‘di binibigay lahat ng biyaya sa isang tao???? Omg! Maganda na talented pa [red heart emoji]”
Baka Bet Mo: Jillian Ward pinuri ni Direk Rico Gutierrez, alagang-alaga sa taping: ‘Ang feeling ko po baby pa rin nila ako’
Bukod sa fans, bilib na bilib din ang ilang kapwa-artista.
‘Nung umulan ng talent, nasa labas ka non [laughing emoji]. Nasalo mo lahat. Sabagay, bata ka pa naman non kita na yang hilig mo sa pagkanta at pag sayaw. You’re my forever bebe Jillian Ward,” komento ng komedyana na si Gladys Guevarra.
Lahad naman ng aktres na si Diana Zubiri, “Galing [clapping hands emojis]”
As of this writing, halos two million views na ang naturang Instagram post ni Jillian.
Ang Kapuso young star ay kasalukuyang bumibida sa teleseryeng “Abot-Kamay Na Pangarap” bilang si Doc Analyn.
Mapapanood siya tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa Afternoon Prime ng GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.