Pops inatake ng depresyon, nawalan ng confidence

Pops inatake ng depresyon, nawalan ng confidence: Hirap akong kumanta

Ervin Santiago - January 17, 2024 - 06:30 AM

Pops inatake ng depresyon, nawalan ng confidence: Hirap akong kumanta

Pops Fernandez at Regine Velasquez

INATAKE rin ng matinding depresyon ang Original Concert Queen na si Pops Fernandez nang mawalan ng confidence sa pagiging singer.

Yan ang naging rebelasyon ng singer-actress noong panahong nawala siya pansamantala sa mundo ng showbiz.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, inamin ni Pops na totoong nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili lalo na pagdating sa pagkanta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pops Fernandez (@popsfernandezofficial)


Natanong siya ni Tito Boy tungkol sa naging pahayag ni Regine Velasquez sa isang interview na tanggap na niya sa sarili na, “It’s no longer my time.”

Baka Bet Mo: Andrea mas naadik sa Bratz Dolls kesa sa Barbie, grabe ang confidence kapag naka-drag costume: ‘Pantay kasi ang mukha ko’

Reaksyon ni Pops, “In our industry ganu’n naman talaga. It’s a cycle. There will always be mga bago, magagaling, naiiba rin ‘yung trend, mas may ibang puso.

“But like I said, dapat meron tayong sariling atin na alam natin na ‘Ito, ito ‘yung akin,'” tugon pa ng Concert Queen.

Kasunod nito ang kanyang pag-amin na may pagkakataong na-depress din siya dahil nakaramdam siya ng pagdududa kung kaya pa sa niyang kumanta o mag-perform.

“Hindi ko naman sini-share ‘yun publicly, but there was a time I got depressed, hirap akong kumanta.

“I felt na, ‘Ano pa ba ang puwede kong gawin? Puwede ko pa bang gawin ito? Bagay pa ba ako diyan?’ So medyo I tried to do other things because I didn’t feel good about myself, hindi ako naging confident, and it bothered me a lot,” paliwanag ni Pipay.

Pero na-realize niya na talagang love na love pa rin niya ang pagkanta, “Kailangan kasi you have to strengthen yourself. Ikaw lang naman ang magpapalakas sa sarili mo.

Baka Bet Mo: Pagkamatay ng Hong Kong-American pop singer Coco Lee ikina-shock ng Pinoy fans; inatake raw ng matinding depresyon

“I prayed a lot, I kept saying ‘God bagay pa ba ako rito sa ginagawa kong profession?’ But then again, ito lang ang alam ko eh, ito lang ang kinalakihan ko, ito lang ‘yung alam na alam ko at mahal ko. Dito ako passionate,” pagbabahagi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pops Fernandez (@popsfernandezofficial)


Pagpapatuloy pa ni Pops, “So, ‘God bagay pa ba ako rito?’ ‘Yun nga ang sinasabi ko, medyo nag-lie low ako, nag-produce ako.

“Hanggang sa I told myself, ‘Kaka-miss, sige. Kung sinasabi Mong nahihirapan akong kumanta,’ nag-aral ako ulit. Nag-lessons ako ulit, para ma-gain ko ulit ‘yung confidence ko,” dagdag pa niya.

Na-realize rin daw niya na, “Kapag in-allow natin ang fear natin mag-take over, maniniwala tayo sa ‘Oo nga hindi na ako magaling’ or ‘Hindi ko na kaya ‘yun.’ That’s why you always have to strengthen yourself and believe in your kakayahan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa darating ngang February 9 at 10, babalik sa concert stage si Pops para sa kanyang 40th plus anniversary concert, ang “Always Loved” na magaganap sa The Theatre At Solaire.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending