Andrea mas naadik sa Bratz Dolls kesa sa Barbie, grabe ang confidence kapag naka-drag costume: 'Pantay kasi ang mukha ko' | Bandera

Andrea mas naadik sa Bratz Dolls kesa sa Barbie, grabe ang confidence kapag naka-drag costume: ‘Pantay kasi ang mukha ko’

Ervin Santiago - May 29, 2023 - 07:41 AM

Andrea mas naadik sa Bratz Dolls kesa sa Barbie, grabe ang confidence kapag naka-drag costume: 'Pantay kasi ang mukha ko'

Andrea Brillantes

MAS naadik ang Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes sa pangongolekta at paglalaro ng mga Bratz Dolls noong bata pa siya kesa sa Barbie.

Isa iyan sa mga dahilan kung bakit feel na feel ngayon ni Andrea ang pagganap bilang drag queen sa bago niyang iWantTFC digital series na “Drag You & Me” kasama sina Christian Bables at JC Alcantara.

Sa naganap na presscon kamakailan para sa nasabing serye, sinabi ni Andrea na mas super confident siyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin kapag naka-drag costume na siya complete with makeup.

“Ever since I was three years old I was already into makeup. Noong nagka-lockdown, noong early pandemic, nanood ako ng ‘RuPaul’s Drag Race.’ Tapos, super ako natuwa,” simulang kuwento ni Andrea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito, agad daw niyang tinawagan ang kanyang glam team para sa kanyang drag queen transformation hanggang sa tawagin na nga siyang Valentine Royal na siya ring ginamit na pangalan niya sa “Drag You & Me.”

“Noong unang beses ko pa lang na nagawa ko si Valentine Royal, ibang-iba siya sa everyday makeup ko. Kapag naka-drag ako, feeling ko ang perfect-perfect ko.

“Iba ‘yung confidence na nabibigay niya sa akin. Parang hindi ako si Blythe, parang nagiging ibang tao ako. May iba akong persona. Iba si Valentine Royal kay Blythe. Iba ‘yung confidence na naibibigay niya sa akin,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Kakai ilusyunada, sey ng bashers: ‘Aminin na natin, nali-link sa akin mga guwapo…siguro hindi nila kaya yung confidence ko!’

Aniya pa, kapag naka-Valentine Royal costume daw siya parang ang feeling niya kering-keri niyang gawin ang lahat ng naisin niya without fear of being judged.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero ang talagang ikinatutuwa raw ni Andrea kapag nag-transform na siya bilang drag queen, “Mas pantay ang mukha ko kapag naka-drag ako. Conscious kasi ako sa right side ng face ko.

“Pero kapag naka-Valentine ako, pantay. Mas malaki ang labi ko, ang liit-liit ng ilong ko, gustung-gusto ko ‘yung mata ko,” seryosong chika ng dalaga.

Samantala, nabanggit nga ni Andrea na hindi siya masyadong fascinated sa Barbie noong bata pa siya, “Ever since noong bagets ako, sa mga toddler level, adik ako sa Bratz. I was a Bratz girl. I was never a Barbie  girl.

“So, para sa akin, ‘yung makeup ng drag, super fascinated ako kasi para siyang childhood ko kasi  para siyang Bratz level. Iba ang nabibigay sa aking confidence ng drag,” pahayag pa niya.

Pops nahiyang mag-celebrate ng 40th anniversary sa showbiz: ‘Medyo nawalan po ako ng confidence kasi matagal na akong hindi nagko-concert’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron Geisler hahakot ng best actor award sa ‘Doll House’: Hindi ko po expected ‘yan, I just want to be the best person

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending