Baron Geisler hahakot ng best actor award sa 'Doll House': Hindi ko po expected 'yan, I just want to be the best person | Bandera

Baron Geisler hahakot ng best actor award sa ‘Doll House’: Hindi ko po expected ‘yan, I just want to be the best person

Ervin Santiago - October 23, 2022 - 08:28 AM

Baron Geisler hahakot ng best actor award sa 'Doll House': Hindi ko po expected 'yan, I just want to be the best person

Baron Geisler at Althea Ruedas

SIGURADONG hahakot ng best actor trophy si Baron Geisler sa susunod na awards season para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Doll House.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya actor sa natatanggap na mga papuri hindi lamang mula sa mga ordinaryong tao kundi pati na rin sa mga kapwa niya celebrities.

Kaya naman todo-todo ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga nakapanood na ng “Doll House” at sa mga nagpapadala ng mensahe sa kanya at pumupuri sa kanilang pelikula lalo na sa kanyang akting.

“Hindi ko po expected ‘yan. I believe I’ve been saying this so many times na si God lang talaga ang nag-o-orchestrate nang lahat ng ito, lahat ng biyaya.

“Kung walang suporta sa kababayan natin here in the Philippines and abroad, kasi nag-top 10 tayo sa 10 different countries, I owe it all sa kababayans natin there.

“Sa lahat sa inyo, number 1 po kami rito, kaya number 1 po kami sa puso niyo. Ibinabalik ko po ang lahat ng honor, praise kay God sa lahat ng blessings na ito. Maraming salamat sa mga Kapamilya natin out there,” pahayag ni Baron sa panayam ng “Sakto.”

Isa naman ang award-winning actor na si Aga Muhlach sa mga napabilib ni Baron sa “Doll House” at talagang nag-post pa ito sa social media para batiin siya na bihirang gawin ng mister ni Charlene Gonzales.

“Talagang I really looked up to Boss Aga and all of my colleagues maraming salamat. Sa akin marami ang nagme-message na ‘oh mananalo ka na ng award, best actor.’

“For me, I just want to be the best person, I want to maintain that, sustain that. And also I want to be working with all of these legends sa industry na bumabati at nakapansin sa pelikula naming ‘Doll House.’ So maraming salamat talaga,” mensahe ni Baron.

Sa tanong kung ano ang realization niya bilang ama matapos gawin at mapanood ang pelikula, “Para sa akin lang na-realize ko na we can not turn back time.

“Time is precious and while we are alive the reason why we are alive is to make moments, to make moments with family and friends

“Nasa atin na lang po, choice natin if we are going to choose good moments or bad moments. Kasi lahat naman po ng ating ginagawa ay may consequences maybe good, maybe bad.

“So I would rather choose to have good memories with my children and with my friends,” pahayag ni Baron.

Pagpapatuloy pa niya, “This movie is about forgiveness, redemption and unconditional love. Sa totoo lang po, natutuwa ako sa nagme-message sa akin sa social media na ‘I think kakausapin ko na ang tatay ko. I think papatawarin ko na.’

“So ginamit ito talaga ng Diyos itong pelikula namin para tamaan ang puso at tamaan ang heartstrings ng mga manonood. So talagang may lesson na mapupulot dito sa pelikula,” dagdag pa ng aktor.

Ibinalita rin ni Baron na after ng “Doll House” ay may gagawin pa siyang isang pelikula kasama sina Christopher de Leon at Piolo Pascual.

#FromKontrabidaToBida: Baron Geisler puring-puri sa pagganap sa ‘Doll House’

Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending