#FromKontrabidaToBida: Baron Geisler puring-puri sa pagganap sa 'Doll House' | Bandera

#FromKontrabidaToBida: Baron Geisler puring-puri sa pagganap sa ‘Doll House’

Therese Arceo |October 13,2022
facebook
share this

#FromKontrabidaToBida: Baron Geisler puring-puri sa pagganap sa ‘Doll House’

Therese Arceo - October 13, 2022 - 07:55 PM

#FromKontrabidaToBida: Baron Geisler puring-puri sa pagganap sa 'Doll House'
LABIS ang paghanga ng madlang pipol sa aktor na si Baron Geisler dahil sa napakahusay nitong pagganap sa pelikulang “Doll House”.

Oktubre 7 nang ipalabas ang pelikula sa Netflix at agad naman itong tinangkilik at sa katunayan ay parte ito ng Top 10 spots ng streaming service.

“Pinahirapan tayo ni Halle Berry pero the FILIPINO AUDIENCE has spoken again and again and again! Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nanood ng aming pelikula, the FILIPINO AUDIENCE is worth risking and you fuel our passion! You are the best audience in the world! Maraming salamat po!” ayon sa Facebook post ng Mavx Productions, ang nasa likod ng trending na pelikula ni Baron.

Talagang nakakatuwa nga ang pagtangkilik ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang sulok ng bansa dahil ito ang isa sa mga naging dahilan kung bakit trending ang naturang pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler)

Ito nga rin ang kauna-unahang pagkakataon na bumida sa isang pelikula si Baron.

Nasanay kasi ang mga Pinoy na panay kontrabida roles o di naman kaya’y supporting roles ang ginagampanan nito kaya naman labis rin ang naging paghanga ng mga manonood dahil ibang side naman ng aktor ang kanilang nasaksihan.

“Great job guys!!! Ito ang sinasabi kong tunay na film makers na maangas gumawa! Maganda from the start to finish!!! And grabe si Baron Geisler napakabangis umacting! Sana magkaroon kayo ng pelikulang magkapatid na drama! Paolo Contis and Baron Geisler, sigurado ubos na naman tissue kakaiyak! Galing n’yo po!!!!” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “Ang galing ni Baron! Sana mabigyan pa siya ng mga proyektong ganito, na talagang masho-showcase ang talento niya.”

“Baron is such a great actor. After all he’s done, this movie portrayal hits close to home. An alcoholic, drug-addict, yet he changed. Thank you for giving him another chance,” sey pa ng isa.

Samantala, nag-post naman sa kanyang Facebook account ang pinakabagong paboritong bida ng madlang pipol.

Saad ni Baron, “We did it Yumi!! Di ka man pumasa sa audition, pumasa naman tayo sa puso ng mga kababayan natin worldwide.

Maraming salamat po sa inyong lahat at dahil po sainyo ay nag #1 po kami sa Netflix at nag trending pa ang #DOLLHOUSE
To God be the glory, honor and praise!!”

“We love you at #1 po kayo sa puso namin.
from Tito Clyde and Yumi,” dagdag pa ni Baron.

Labis rin ang pasasalamat ng aktor sa mga taong nagtiwala at nagbigay sa kanya ng pagkakataong bumida sa pelikula.

“The best kayong lahat! Yakap!” hirit pa ni Baron.

Related Chika:
Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baron todo pasalamat sa asawa matapos ang kontrobersya: Nagtatrabaho lang po para sa pamilya

Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending