JC Alcantara naranasang magtinda ng tinapay noong bata: Kahit ano lang, makapagbigay ako sa family ko | Bandera

JC Alcantara naranasang magtinda ng tinapay noong bata: Kahit ano lang, makapagbigay ako sa family ko

Alex Brosas |December 08,2022
facebook
share this

JC Alcantara naranasang magtinda ng tinapay noong bata: Kahit ano lang, makapagbigay ako sa family ko

Alex Brosas - December 08, 2022 - 01:27 PM

JC Alcantara naranasang magtinda ng tinapay noong bata: Kahit ano lang, makapagbigay ako sa family ko
NALOKA kami sa revelation ni JC Alcantara sa solo zoom conference para sa amin at sa cast ng “Tara, G!”

Inamin kasi sa amin, exlcusive, ha, na nagtinda pala siya ng tinapay kasama ang kanyang kuya noong Nueva Ecija. Medyo wala pa sila noon, hindi pa maganda ang estado ng kanilang pamumuhay.

“Mga six years old ako, kasama ko ang kuya ko, nagtinda kami ng tinapay sa Nueva Ecija. Kasi ang thinking ko lang doon before, para sa sarili ko ay makabili ako. Kahit ano lang, makapagbigay ako sa family ko,” say ni JC.

Apparently, tumatak ang kahirapan sa murang edad ni JC kaya naman noong teenager na siya ay siya mismo ang gumawa ng paraan para kumita.

“And then noong tumatagal na, na-realize ko na ayaw kong maging ganito kami balang araw. Nag-pageant ako noong mga fourteen ako. Nakatulong siya sa akin. ‘Yung kinikita ko ay ibinibigay ko sa family ko,” kuwento niya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC ALCANTARA (@imjcalcantara)

 

Bukod sa pagsali sa mga pageants, sumabak na rin si JC sa paggawa ng commercials. Doon niya nakilala si Anthony Jennings na siyang kasama niya ngayon “Tara,G!”.

JC plays Dan in the iWant series na na-in love sa character ni Kaori Oinuma. Sa pinanood naming season finale ay cute na cute ang mga eksena nila ni Kaori at maganda ang kanilang chemistry. May mga eksena silang talagang kikiligin ka.

Anyway, kasama rin sa iWant series sina Vivoree Esclito, and Daniela Stranner, Zach Castaneda and CJ Salonga. “Tara,G!” will air its finale pisode on December 9 on iWant app.

Related Chika:
JC Alcantara tinuksu-tukso si Tony Labrusca: Baka naman…i-kiss mo na ako, ang dami nang nag-aabang

JC Alcantara naloko ng dating handler: Sinasabi niya sa ‘kin pasisikatin kita

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JC Alcantara nang-ghost ng young actress na dine-date noon: Iniisip ko muna ‘yung sarili ko that time

JC Alcantara nahirapang gumanap bilang binatang may ASD: Hindi siya joke na i-portray, habang ina-acting ko, naiiyak ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending