JC Alcantara walang takot na umamin: ‘Kung puwede ngang magmahal ng bakla, magmamahal ako, eh!’
MARAMI ang bumilib kay JC Alcantara dahil sa labis na pagmamahal nito sa LGBTQIA+ community.
Sa solo presscon niya para ssa “Drag You and Me”, ipinakita ni JC ang kanyang matinding pagmamahal sa mga LGBTQ+ members.
“Kung puwede ngang magmahal ng bakla, magmamahal ako, eh,” walang takot niyang say.
In-acknowledge ni JC ang malaking tulong ngkanyang manager-discoverer na gay.
View this post on Instagram
Sadly, namayapa na ito kamakailan kaya parang napilayan ang actor na nagpakita ng kanyang versatility nang gumanap ito bilang si Mico, a nerdy college student na nagkaroon ng romantic involvement kay Xavier, isang star basketball na ginampanan ni Tony Labrusca in the BL show “Hello Stranger”.
Sa “Drag You & Me” ay dalawa naman ang character ni JC, una bilang na issang bisexual at bilang Shania Lacroix, na isang up-and-coming drag queen.
Para kay JC, wala siyang karapatang mamili ng role na kanyang tatanggapin kaya naman welcome sa kanya kahit na ang maging bading. Hindi rin siya conscious sa kanyang image.
“Actually, hindi ako naniniwala sa typecast. Mas gusto ko ‘yung kahit anong projects ang ibigay sa akin ay gagawin ko kasi hindi mo rin naman kailangang mamili, eh, lalo na kung nag-aano ka sa craft mo. Sila na mismo ang magbibigay,” say niya.
Naniniwala rin si JC sa power of manifestation at sinabi niyang ito ang nagging paraan para makuha niya ang meaty roles.
“Like ako, nagma-manifest ako ng mga character at nakukuha ko. Nagugulat ako na like sa DonBelle, sa Hello Stranger, tapos drag queen.
View this post on Instagram
“Gusto ko lang siya habang pinapanood ko tapos naa-attract ko siya hanggang sa makuha ko ‘yung projects kaya sobrang grateful ko na bawat wish ko ay natutupad,” say niya.
Bilib na bilib ang netizens sa kapani-paniwalang pag-arte ni JC bilang isang drag queen, na kumpleto sa bonggang make-up at mga enggrandeng outfit.
Marami rin ang natutuwa sa nakakakilig na mga eksena ni JC kasama sina Betty (Andrea) at Charlie (Christian), na pareho ring mga drag queen.
Sa mga susunod na episode, dapat abangan ng mga manonood kung paano lalalim ang relasyon nina Jason at Betty, at kung papaano mababaliw sa selos si Charlie, na siya ring matalik na kaibigan at drag mother ni Jason.
Mapapanood ang bagong episodes ng “Drag You & Me,” na mula sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment, at Dreamscape Entertainment, kada Biyernes ng 8 p.m. sa iWantTFC app.
Pacquiao patutumbahin lahat ng magnanakaw: Pag nakulong na sila, puwede na akong umayaw sa politics
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.