Tambalang Kim-Jerald ang lakas maka-John Lloyd at Sarah sa 'Girlfriend Na Pwede Na'; comedy na may puso't kaluluwa | Bandera

Tambalang Kim-Jerald ang lakas maka-John Lloyd at Sarah sa ‘Girlfriend Na Pwede Na’; comedy na may puso’t kaluluwa

Ervin Santiago |January 18,2023
facebook
share this

Tambalang Kim-Jerald ang lakas maka-John Lloyd at Sarah sa ‘Girlfriend Na Pwede Na’; comedy na may puso’t kaluluwa

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 07:56 AM

Tambalang Kim-Gerald ang lakas maka-John Lloyd at Sarah sa 'Girlfriend Na Pwede Na'; comedy na may puso't kaluluwa

Kim Molina at Jerald Napoles

WALANG patumanggang tawanan at palakpakan ang nangyari sa loob ng sinehan habang ipinalalabas ang latest romcom movie ng Viva Films, ang “Girlfriend Na Puwede Na.”

Kagabi ginanap ang premiere night ng pelikula sa SM Megamall Cinema 2 na pinagbibidahan ng reel and reel life partner na sina Kim Molina at Jerald Napoles.

In fairness, nag-enjoy kami sa movie at diretsahan at walang takot naming sasabihing ito na ang pinakamagandang pelikula ng KimJe na napanood namin.

Mula simula hanggang ending ay hindi kami bumitiw sa pelikula dahil bawat eksena nina Jerald at Kim ay talagang pasabog at walang tapon.

Patunay diyan ang napakalakas na halakhakan ng mga manonood sa loob ng cinema at dagdagan pa ng hiyawan ng audience sa mga kilig moments ng magdyowa in real life.

Sabi nga namin, ang lakas maka-John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ng tambalan nina Jerald at Kim sa “Girlfriend Na Puwede Na” dahil sa mga eksena nila na may magic vibes ng “A Very Special Love” at “You Changed My Life”. Ito yung comedy na may puso’t kaluluwa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)


Walang boring or dull moments sa kabuuan ng pelikula dahil nga sa  bagong atake ni Direk Benedict Mique sa latest romcom offering ng Viva Films.

Dito ipinakita ng direktor na kering-keri pa rin ng KimJe na magpakilig at magpasabog ng good vibes sa madlang pipol sa gitna ng pagsulpot ng napakaraming young loveteams ngayon sa mundo ng showbiz.

Simple lang ang tema at konsepto ng “Girlfriend Na Pwede Na” pati na ang twists and turns ng kuwento pero dahil nga sa galing ng mga bida, idagdag pa ang members ng supporting cast, nakabuo si Direk Benedict ng isang romcom na siguradong ikatutuwa at ikatatawa ng mga Pinoy viewers.

Grabe! Bentang-benta sa manonood ang eksenang hawak-hawak ni Kim ang galit na galit na pagkalalaki ni Jerald habang nakahiga at natutulog sila sa kama.

May bonggang bahagi rin sa movie ang kahoy na male organ nang magpunta na sa Baguio ang mga karakter nina Kim at Jerald kung saan nagsimula ang kanilang love story sa movie.

Hindi na kami masyadong magdedetalye sa istorya ng “Girlfriend Na Pwede Na” para mas ma-excite kayo sa panonood. Basta sure na sure kami na lalabas kayo ng sinehan na masaya at tawa pa rin nang tawa.

Showing na ito bukas, January 18, in cinemas nationwide. Kasama rin sa movie si Gab Lagman na gumaganap na third party sa tambalang Jerald at Kim.

Gladys humiwalay ang kaluluwa nang sampalin ni Maricel; Bianca may aaminin sa ‘TBATS’

Bela pwede nang lumebel kay Coco bilang actress-director; hugot movie na ‘366’ kering-kering humakot ng awards

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rosanna Roces ayaw gawing pelikula ang buhay: ‘Walang kabutihang mapupulot’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending