Gladys humiwalay ang kaluluwa nang sampalin ni Maricel; Bianca may aaminin sa 'TBATS' | Bandera

Gladys humiwalay ang kaluluwa nang sampalin ni Maricel; Bianca may aaminin sa ‘TBATS’

Ervin Santiago |September 05,2021
facebook
share this

Gladys humiwalay ang kaluluwa nang sampalin ni Maricel; Bianca may aaminin sa ‘TBATS’

Ervin Santiago - September 05, 2021 - 08:30 AM

Gladys Reyes at Maricel Soriano

HINDING-HINDI malilimutan ng la primera contravida na si Gladys Reyes ang matinding sampal sa kanya ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Kuwento ng actress-TV host, humiwalay daw talaga ang kaluluwa niya nang sampalin ni Maricel sa isang proyektong pinagsamahan nila noon.

Sa guesting ni Gladys sa morning show ng GMA na “Mars Pa More” natanong ng mga host na sina Camille Prats at Iya Villania kung sino ang pinakanami-miss niyang makatrabahong artista.

Mabilis niyang binanggit ang pangalan ni Maricel, “Kasi siya pa lang yung sumampal sa akin doon sa movie at talagang totoo ang mga bali-balita na malakas nga talagang sumampal si Inay Maria.

“Dahil talagang humiwalay ng kaunti yung kaluluwa ko sa pagkatao ko.

“Pero bumalik naman agad agad, mga ilang segundo lang tapos okay na, natauhan na kaagad ako,” chika pa ni Gladys.

Kasunod nito, tinanong naman ni Camille ang magaling na kontrabida kung sino naman ang gusto niyang masampal kapag nabigyan uli ng bonggang kontrabida role.

“Siyempre, si Ae Guy (Nora Aunor) at saka si Ms. Vilma Santos. Karangalan, ‘di ba? Masampal mo ang Superstar at ang Star for All Seasons, why not? Tsaka may lisensya ka (na gawin yun),” dagdag pang pahayag ni Gladys na napapanood ngayon sa Kapuso comedy show na “Pepito Manaloto Ang Unang Kuwento.”

* * *

Super in love nga ba ngayon ang Kapuso actress na si Bianca Umali? Isa yan sa mga maiintrigang tanong na sasagutin niya sa fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show” tonight sa GMA.

Hindi makakaligtas ang “Legal Wives” star sa hot seat dahil sasabak ito sa interview segment na “May Pa-Presscon” kung saan sasagutin niya ang maiinit at nakaka-intrigang mga tanong.

Sa nakatutuwang segment na ito, mapag-uusapan din ang dating screen partner ng aktres na si Miguel Tanfelix. Isa ito sa dapat talagang abangan ng mga manonood.

Pagkatapos masalang sa hot seat, si Bianca rin ay sasabak sa nakakatuwang improv comedy segment na “Ang Arte Mo” kung saan ire-reenact nina Boobay, Tekla, Bianca, at The Mema Squad ang dating dramatic scenes ng aktres sa mga soap na kinabilangan nito gaya ng Sahaya at Kambal, Karibal.

Makakasama ng The Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, at Kitkat ang popular na komedyante na si Brenda Mage.

Ibabahagi din ni Bianca ang isang chika tungkol sa confrontation scene nila ng karakter ni Miguel sa Sahaya na nag-viral sa TikTok.

Ipakikita naman ni Bianca ang kanyang galing sa pag-awit sa segment na “Birit Showdown” kasama si Kapuso OST Princess Hannah Precillas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuluy-tuloy lang ang laughtrip at kasiyahan na hatid ng “The Boobay and Tekla Show”. Kaya tutukan ang kaabang-abang na fresh episode na ito ngayong Linggo pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending