Robi sa pang-iintriga kina Donny at Kathryn: 'We’re all friends here'

Robi sa pang-iintriga kina Donny at Kathryn: ‘We’re all friends here, no issues’

Pauline del Rosario |January 11,2024
facebook
share this

Robi sa pang-iintriga kina Donny at Kathryn: ‘We’re all friends here, no issues’

Pauline del Rosario - January 11, 2024 - 11:46 AM

Robi sa pang-iintriga kina Donny at Kathryn: 'We’re all friends here, no issues'

Robi Domingo, Donny Pangilinan, Kathryn Bernardo

NAGSALITA na rin mismo si Robi Domingo kaugnay sa pang-iintriga sa mga kaibigan niyang celebrities na sina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo.

Kumalat kasi sa social media ang isang video clip na nagsasayaw si Kathryn kasama ang isa pang bisita sa wedding reception nina Robi at misis na si Maiqui Pineda nang biglang nilapitan ni Donny ang aktres at inalok ng drinks.

Tila nagkaroon ng malisya ang paglapit ni Donny kay Kathryn dahil sa ibinandera ng isang netizen na may caption na, “hi @donnypangilinan ganto ka pala pag interested ka sa babae [face with hand over mouth emoji].”

Ni-reshare ‘yan mismo ni Robi sa kanyang X (dating Twitter) account at nilinaw na magkakaibigan silang lahat.

Nakiusap pa siya na huwag lagyan ng isyu ang kumalat na video nina Kathryn at Donny.

Baka Bet Mo: Kathryn tinalbugan ni Andrea sa kagandahan, netizens bardagulan sa socmed

“Just for the record: we’re all friends here. We’ve got each other’s backs. No issues, please [finger heart emoji],” sey ni Robi sa kanyang post.

Paliwanag pa niya, “Also, being the groomsmen, @donny and @Espanto2001 helped us out in taking care of all of the guests [red heart emoji].”

Maraming netizens naman ang sumang-ayon kay Robi at nagtataka rin kung bakit ginawan ng isyu ang simpleng pagbibigay ng inumin sa aktres.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Anong issue nito binigyan lang ng mainom magkaibigan naman sila.”

“Nakakaloka mga ‘to.. Kailangan pa talaga mag-explain si Robi sa inyo. Tssss”

“Wala akong nakikitang mali? Parang may binulong at may inabot lang naman? ‘Di naman hinarass or pinilit isayaw? Ano issue dito?”

“Pano po ba interesado, e umalis din naman po agad, ‘di naman nag-stay. ‘Wag na po kayo nandadamay.”

Nauna nang nakiusap si Donny sa isang press conference na huwag nang lagyan ng kulay ang kumakalat na video dahil magkaibigan lang sila ni Kathryn.

“We had a great time. Lahat naman kami, friends sa showbiz, so binabantayan namin ang isa’t isa. ‘Yun lang ‘yun,” ang depensa ng aktor na mukhang hindi naman masyadong affected sa isyu.

Aniya pa, “I think for me, it’s just having peace of mind na friends kaming lahat and okay kami, enjoy namin ang trabaho namin, and that’s the most important thing.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 Alam din naman ng marami na bukod sa mga nabanggit na artista ay bisita rin sa kasal ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla. 

Magugunita na noong November 30 nang kumpirmahin ng KathNiel na sila ay hiwalay na matapos ang 11 years na magkarelasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending