Byuti ni Kathryn talbog kay Andrea, netizens nagbardagulan

Kathryn tinalbugan ni Andrea sa kagandahan, netizens bardagulan sa socmed

Ervin Santiago |January 02,2024
facebook
share this

Kathryn tinalbugan ni Andrea sa kagandahan, netizens bardagulan sa socmed

Ervin Santiago - January 02, 2024 - 08:20 AM

Kathryn tinalbugan ni Andrea sa kagandahan, netizens bardagulan sa socmed

Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes

SA pagpasok ng 2024, patuloy pa ring pinagsasabong ng netizens ang mga Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes.

Ito’y matapos bumandera ang pangalan at kagandahan ni Andrea sa mga Pinay celebrities na nakapasok sa “100 Most Beautiful Faces of 2023” ng UK-based TC Candler.

Si Andrea ang nanguna sa listahan ng mga Filipina beauties na tinaguriang “pinakamaganda sa lahat” dahil siya ang  nasa rank o Top 16.

Pasok din ang iba pang Kapamilya stars na sina Ivana Alawi na nasa Top 21), sinundan ni Janine Gutierrez na pumasok sa Top 45) at si Belle Mariano na nasa rank 71.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Rank 28 naman ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano na talaga namang hindi rin matatawaran ang ganda ng mukha.

Siyempre, nagpiyesta nang bonggang-bongga ang mga fans and social media followers ni Andrea sa bagong achievement ng dalaga na hindi talaga pinatatahimik ng intriga at kontrobersya.

Baka Bet Mo: Pia sa chikang hate nila ni Catriona ang isa’t isa: Pinagsasabong kami lagi ng mga tao…

Pagkatapos ngang ilabas ang official list ng “100 Most Beautiful Faces of 2023” ng TC Candler ay agad nang nang-intriga ang mga sulsulerang netizens

Sa isang fan-based Facebook page na nakapangalan kay Andrea, binansagan siyang “pinakamagandang babae sa Pilipinas.”

Ilan sa mga nag-react sa nasabing FB post ang nagsabing natalbugan ni Andrea this time ang isa pang Kapamilya star at Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.

Wala kasi sa naturang list ang ex-girlfriend ni Daniel Padialla kaya nagkaroon ng chance ang ilang palabang fans ni Andrea na okrayin si Kath. Si Andrea kasi ang itinuturong “third party” sa hiwalayang KathNiel.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa pagpasok ni Andrea sa “100 Most Beautiful Faces of 2023” at sa pagkaligwak kay Kath.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Bakit walang si Katreng?”

“Kumusta naman yung mga bashers na mukhang raisins ang mga mukha? BWAK BWAK BWAK.”

“Maganda na lalo pang sumisikat,, and bata pa…mas aangat ka pa talaga andeng,  chill lng lage wag paapekto sa mga mapang husgang tao.”

Baka Bet Mo: Marian Rivera kabogera sa kanyang 38th birthday shoot: Beyond grateful for all of you

“Ay, so si Andrea ang pinakamaganda sa lahat?”

“Naungusan na naman ni Andrea ang lahat.”

“Maganda c Andrea noh at bagay SA kanya top16 Kasi cute at maganda sexy bakit yong Di matanggap yon.bakit binabayaran ba kayo ni Katherine Bernardo para ipagtanggol mu Siya fan Lang Tayo Ng mga artistang iniidulo natin kong idol mu Siya Doon SA kanya basta ako Kang Andrea ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“WAY TO GO ANDREA, YOU DESERVE THE TITLE COZ YOU REALLY IS VERY BEAUTIFUL WITH OR WITHOUT MAKE UP!!!K U D O S !!!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending