Marian Rivera kabogera sa kanyang 38th birthday shoot: Beyond grateful for all of you | Bandera

Marian Rivera kabogera sa kanyang 38th birthday shoot: Beyond grateful for all of you

Therese Arceo |August 12,2022
facebook
share this

Marian Rivera kabogera sa kanyang 38th birthday shoot: Beyond grateful for all of you

Therese Arceo - August 12, 2022 - 09:47 PM

Marian Rivera kabogera sa kanyang 38th birthday shoot: Beyond grateful for all of you
WALA pa rin talagang kupas ang kagandahan ng nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Bilang bahagi ng kanyang pagse-celebrate ng kanyang ika-38th birthday ay nagkaroon siya ng photoshoot kung saan tila ibinandera niya ang kanyang walang kupas na kagandahan at kasexyhan.

Super sexy at talagang litaw na litaw ang kaputian at kagandahan ni Marian sa kanyang suot na all black outfit.

“Completely charmed,” saad ng aktres.

Bumuhos naman ng papuri at pagbati ang IG post niya mula sa mga netizens at mga kapwa artista.

“Happy birthday, Marian!” saad ni Carla.

Comment naman ni Iya Villania, “Grabe! Ang ganda!!! Happy birthday, Yan!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

“Pakaganda talaga happy birthday queen,” sey naman ni Zeinab Harake.

Sa kabila ng panibagong taon na dagdag sa kanyang edad ni Marian ay para bang wala namang nagbago sa itsura at katawan ni Marian dahil maalindog at kabigha-bighani pa rin ito at talagang hiyang sa pag-aalaga ng asawang si Dingdong Dantes.

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga tagasuporta maging sa kanyang mga kasama sa industriya na hindi nakalimot sa kanyang espesyal na araw.

“Thank you for all your birthday greetings and wishes. Beyond grateful for all of you,” caption ni Marian sa kanyang post.

Speaking of Dingdong Dantes, hindi naman nakalimutan ng aktor na batiin ang pinakamamahal.

“Rockin’ our worlds since 1984. Happy birthday, my love @marianrivera,” sey ng “Family Feud” host.

Related Chika:
Marian may 1 katangiang hahanapin sa susunod na Miss Universe, ano kaya yun?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

#SanaAll: Dingdong may sweet na tula para kay Marian Rivera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending