Regine, Melai, Jodi ibinandera ang gustong ma-achieve sa 2024

Regine, Melai, Jodi ibinandera ang gustong ma-achieve sa 2024: Travel, work

Ervin Santiago |January 07,2024
facebook
share this

Regine, Melai, Jodi ibinandera ang gustong ma-achieve sa 2024: Travel, work

Ervin Santiago - January 07, 2024 - 10:30 AM

Regine, Melai, Jodi ibinandera ang gustong ma-achieve sa 2024: Travel, work

Jodi Sta. Maria, Jolina Magdangal, Regine Velasquez at Melai Cantiveros

BINALIKAN nina Regine Velasquez, Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Jodi Sta. Maria ang ilan sa mga mahahalagang kaganapan na nangyari sa kanila nitong nagdaang 2023.

Kasabay nito, ibinahagi rin nila sa madlang pipol ang mga nais nilang ma-achieve sa kanilang showbiz career at personal life.

Sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”, nagkuwento ang mga hosts ng programa na sina Regine, Jolina at Melai pati na ang naging guest host nila that day na si Jodi tungkol sa mga bagay na na-accomplish nila sa kanilang 2023 goals.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay)


Ayon kay Melai, natupad niya last year ang matagal na niyang pangarap na makapunta at makapagbakasyon sa South Korea kasama ang pamilya.

At may bonus pa ito, dahil nakagawa pa siya ng pelikula sa South Korea kasama ang ilang sikat na Korean stars kung saan nakatanggap din siya ng Best Actor Award para sa pelikulang “Ma’am Chief” mula sa Asian Artists Award 2023.

Baka Bet Mo: Jolina proud na proud sa ‘friendship’ nila ni Judy Ann: ‘Sobrang masaya ako sa mga achievements mo!’

Para naman kay Regine, natupad din ang wish niyang makapag-travel abroad kasama ang kanyang family, dagdag pa rito ang hit concert niya last year na “Regine Rocks.”

Si Jodi naman ang nagkuwento tungkol sa mga dreams na naisakatuparan ni Jolina last 2023 at isa nga riyan ay ang makita ang Northern Lights kasama ang pamilya.

Samantala, ngayong Bagong Taon, nagsulat ang mga hosts ng kanilang apat na goals ngayong 2024.

Sabi ni Melai, ang apat na nais niyang ma-achieve this year ay, “more time with the Lord, more travel with the family, bonding with parents, at healthy eating.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay)


Para naman kay Regine, bukod sa makapag-rest nang bonggang-bongga ngayong 2024 ay ang magkaroon pa ng maraming oras ang kanyang pamilya.

“Rest, ‘yun ang bago ko ngayon. Gusto ko mag-rest. Gusto ko magpahinga for some reason.

Baka Bet Mo: Fans nina Julie Anne at Jolina nagbardagulan, sino nga ba ang karapat-dapat tawaging ‘Pop Icon’?

“Kasi medyo na-busy nga ‘yung last year, blessings naman ‘yon, so thank you Lord. Tapos I’m finishing my album, we’re finishing it. Then, ‘yun ngang repeat ng ‘Regine Rocks,'” sey ng Asia’s Songbird.

Nabanggit naman ni Jodi na isa sa wish niya ngayong taon ay ang makapagpatayo ng bagong negosyo at muling makapag-aral.

“Ako naman goals for 2024, to be able to venture into a new business. Hopefully ma-start na ‘yan this year.

“Number 2, start my master’s degree in psychology so gusto ko bumalik ng school this year.

“Yes, I shall find time. And then travel to places I’ve never been with the family. Kasi heart ko talaga ang mag-travel nang mag-travel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Then siyempre work, work, work. Kasi kapag napansin nila na travel, travel, travel eh, baka pagpahingahin din nila ako. So work, work, work,” sey ni Jodi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending