Cedrick Juan, Pepe Diokno ng 'GomBurZa' deserving manalo

Cedrick Juan, Pepe Diokno ng ‘GomBurZa’ deserving manalo sa MMFF 2023

Ervin Santiago - December 29, 2023 - 10:10 AM

Cedrick Juan, Pepe Diokno ng 'GomBurZa' deserving manalo sa MMFF 2023

Cedrick Juan, Pepe Diokno at Enchong Dee

HUMAKOT ng award ang biggest historical film of the new decade na “GomBurZa” sa naganap na Metro Manila Film Festival 2023 Gabi ng Parangal nitong nagdaang December 27.

Ibinahagi sa pelikula ang kuwento ng tatlong paring martir sa kasaysayan ng Pilipinas na nakakuha ng pitong tropeo sa awards night ng taunang filmfest.

Bukod sa itinanghal na 2nd Best Picture, nakuha rin ng “GomBurZa” ang Best Actor Award, Best Director Award, Best Cinematography, Best Production Design, Best Sound Design at ang espesyal na Gawad Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang aktor na gumanap bilang Fr. Jose Burgos na si Cedrick Juan ay napaiyak nang tanggapin ang kanyang parangal bilang Best Actor habang nagpapasalamat sa mga taong nagtitiwala sa kanya at sa mga kateatro na tumulong sa kanya na maging mahusay na aktor.

Baka Bet Mo: Maritoni Fernandez sa pagiging cancer survivor: Thank you Jesus for every extra hour, day, month, year and decade!

Tinanggap naman ni Pepe Diokno ang Best Director award at nagpasalamat sa suporta ng lahat ng tumulong sa kanya na gawing isang makabuluhang pelikula ang “GomBurZa” na nagbigay ng mas malalim na paliwanag sa kung paano nabuo ang nasyon mula sa pakikibaka at sakripisyo nina Padre Mariano Gomes, Jose Burgos at Jacinto Zamora.

Nominated din sina Dante Rivero at Enchong Dee sa pagka-Best Supporting Actor para sa kanilang pagganap bilang Padre Gomes at Padre Zamora.

Ang pagganap ng tatlong bida sa pelikula, kasama ang angking galing ni Direk Pepe Diokno sa visual storytelling, ay nagdulot ng magandang feedback mula sa mga manonood dahil sa makabagbag-damdaming paglalarawan ng kasaysayan, nasyonalismo at katapangan ng “Los Filipinos.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Maraming sumang-ayon sa naging resulta ng awards night. Naniniwala sila na deserving ang pelikula sa lahat ng natanggap nilang parangal lalo na ang best actor at best director.

Baka Bet Mo: Xian Gaza binatikos ang ‘GomBurZa’ issue sa PBB: Scripted lamang ito

Ang tagumpay ng “GomBurZa” sa ika-49 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal ay nagpapatibay hindi lang bilang cinematic gem kundi bilang isang pagbibigay-pugay sa makulay na kasaysayan ng bansa at sa dedikasyon ng tatlong pari para sa kanilang pangarap para sa pagkakapantay-pantay at katarungan.

Damhin ang mensahe ng “GomBurZa” at alamin kung bakit nag-aalab ang interes ng mga tao para mapanood ang pelikulang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatagal pa ang 10 official entry sa MMFF 2023 sa mga sinehan nationwide hanggang January 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending