Enchong ng 'GOMBURZA' pinarangalan, sinaluduhan si Jose Rizal

Enchong, Cedrick Juan ng ‘GOMBURZA’ pinarangalan, sinaluduhan si Jose Rizal

Ervin Santiago - December 12, 2023 - 07:32 AM

Enchong, Cedrick Juan ng 'GOMBURZA' pinarangalan, sinaluduhan si Jose Rizal

Dante Rivero, Enchong Dee at Cedrick Juan

MALAKING karangalan na naging bahagi ng Stop and Salute Flag Raising Ceremony kamakailan ang “GOMBURZA” lead stars na sina Cedrick Juan at Enchong Dee.

Sina Cedrick at Enchong ang gaganap bilang Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora sa upcoming Metro Manila Film Festival 2023 (MMFF) movie na “GOMBURZA“.

Sa naturang event, pinarangalan at sinaluduhan ng dalawang aktor ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee)


Dinaluhan ng iba’t ibang government agencies, non-governmental organizations, and historians ang nasabing event na pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines, National National Parks Development Committee, at Salute to a Clean Flag Movement.

Baka Bet Mo: Xian Gaza binatikos ang ‘GomBurZa’ issue sa PBB: Scripted lamang ito

Ang okasyon ay ginanap bilang pagdiriwang ng Rizal Month.

Si Cedrick Juan ang nanguna sa Panununumpa ng Katapatan sa watawat ng Pilipinas habang si Enchong naman ang nagbigkas ng Pagpupugay sa Busilak na Bandila.

Mahalaga ang naging pagdalo ng mga gaganap na Fr. Burgos at Fr. Zamora dahil ang “GOMBURZA” ang nagsindi ng alab sa puso ng ating pambansang bayani.

Ang “GOMBURZA” ay ipalalabas na ngayong December 25 bilang isa sa mga official entries sa MMFF 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending